Toni's POV
Kaagad kong tinawagan si Lucas nung nalaman ko kung ano yung post niya. Nung sinagot niya yung tawag ko parang hindi man lang natakot. At sinagot pa ako. Talagang ang lalaking to. Pag nakita ko siya talagang lagot siya sa akin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lucas' POV
Mukhang malalagot talaga ako kay Toni nito. Pagkatapos ng tawag ni Toni saken, bumalik ako kaagad dining dahil nandoon na sila daddy.
"oh, bakit hindi mo kasama yung girlfriend mo?" tanong ni daddy.
"actually dad, kahahatid ko pa lang sakanya kanina nung pinapunta niyo ako." sagot ko kay dad.
"actually dad, yung girlfriend niya schoolmate ko nung highschool and definitely a good girl." singit ni Kuya.
"talaga? well ano ginawa mo at napasagot mo yung babae?" asar ni dad
"eh si Andrea, nasan?" tanong ko kay kuya.
"she has family lunch din since kababalik lang namen pareho, actually dun nga tuloy ko after naten dito e." sagot niya sa akin.
Natapos lang din yung lunch namen sa bahay at dumiretso ako ng uwi condo. I did not sleep well last night. Ikaw ba naman ang matulog sa couch.
Paguwi ko diretso ako agad ng kama, I can still smell Toni's scent on my pillows. Ano ba yan, I am supposed to be thinking of Andrea, and how to get her back. Pero si Toni lagi ang sumasagi sa isip ko.
I woke up on a Monday morning, may training pa pala kami ng 6am. Dumiretso ako kagad sa field at nadatnan ko dun si Kevin.
"Tangna, loverboy oh." kantyaw ni Kevin saken.
"Tigilan mo'ko Kev, maaga pa." sagot ko at nilapag ang gamit ko benches.
"Alam mo galing lang dito sa Josh hinahanap ka bro, andito na rin ata si Toni e." sabi ni Kevin.
"ano pare, kamusta kayo ni Toni, grabe sobrang bilis mo talaga. Bilib nako." hirit ni Kevin.
Natapos yung training at inaya ako sa kitchen lab ni Kevin para puntahan si Josh, may kukunin daw. Pumasok si Kevin at ako nagpaiwan na dahil ayaw ko makita si Toni. Gyera to pag nagkataon. Pero pagpasok niya nakita ko si Toni padating.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi nya sa akin.
"uhm, bakit masama bang dalawin yung girlfriend ko?" sagot ko sakanya. Pinangatawanan ko na.
"pwede ba Lucas, tigilan mo na 'to. Di mo ako mapapapayag." sabi nya sa akin.
"please? tulungan mo na ako. Just pretend hanggang mabawi ko lang ang akin." sabi ko sakanya.
"Lucas, masasaktan si Jacob. They're happy together. Wala na tayong magagawa." sabi pa niya.
"Just please pretend for me. I cant just surrender without putting up a fight." nakiusap pa din ako.
"Ano bang makukuha ko? Wala." sabi niya sa akin.
Naisip ko na lang na diko na siya guguluhin kahit kelan. Yun na lang ang tanging naiisip ko.
"Di na kita guguluhin kahit kelan, kahit anino ko dimo na makikita." sabi ko sakanya.
Mukhang nagulat siya pero sinagot pa rin ako.
"Ano bang gagawin ko para tumigil ka na? Kasi ayaw ko talaga." sagot niya
"Just think about it please?" pakiusap ko.
"Okay fine. pagiisipan ko pero it doesn't mean na papayag ako." sabi niya.
"Yes!" at napayakap ako sa kanya.
"Sige yakap pa, kukutusan na kita! Dami mo ng atraso sakin swear!!!!" sabi nya at binitiwan ko rin siya agad.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kevin's POV
Palabas na ako ng Kitchen Lab at narinig ko naguusap yung dalawa. Gulat ako ng biglang niyakap ni Lucas si Toni at sobrang saya niya. Buti nalang hawak ko cellphone ko at nakuhanan ko pa ng picture ang magandang scene na yun.
"Maipost nga sa fb. Sobrang sweet naman. First time to mangyare sa bestfriend ko." sabi ko sarili ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."