Sixteen: Selfish

19 1 1
                                    

Toni's POV

Maaga akong nagising dahil hindi ako natulog sa kwarto ko. Alas singko pa lang mulat na ako dahil iniisip ko lahat ng nangyare kahapon. Si Jacob and the girl. Yung pagaalok sa akin ni Lucas na maging mag-on kami. Sobrang confusing, bakit all of a sudden na lang lahat. Isa pa di ko alam kung okay ba talaga kami. Di ko alam, ano bang dapat kong isipin. 

Lumabas ako ng kwarto at nakit kong nakahiga pa si Lucas sa couch. Mukha siyang di rin nakatulog ng maayos. Dumiretso ako sa kitchen para makapagluto ako ng breakfast. Naisipan kong magluto ng vegetable omelette at french toast may bacon din. I started doing what makes me calm and relaxed. Pero nagulat ako ng may biglang tumikhim sa likod ko, nakaupo na siya dun sa stool sa may counter at nakangiti.

"Good morning!" sabi sakin ni Lucas.

"Good morning din." sagot ko sakanya.

"I'm cooking vegetable omelette and french toast with bacon." sabi ko sakanya. "Sorry nagising ata kita and pinakealaman ko yung kitchen mo." dagdag ko.

"Okay lang, basta ba papayag ka sa offer ko." sabi nya sa akin na may ngiti.

Sobrang curious talaga ako sa sinasabi niya at di ko na napigilan magtanong habang naghahain.

"Come on kain na." sabi ko sakanya bago ko siya tanungin.

"Ano bang problema mo bakit mo naman ako gustong maging girlfriend?" kalmado kong tanong.

"Well not officially, remember the girl na kasama ni Kuya kahapon. That is Andrea, my first love. You have to understand Toni that I'm still in love with her. " sabi niya sa akin.

"eh ano naman ang kinalaman ko dun?" sunod na tanong ko.

"balak kong bawiin siya kay kuya." seryosong sagot niya.

"and you are expecting me na tutulungan kita, para saktan kuya mo?" tanong ko sakanya.

"you see Toni, I am so desperate to be with Andrea." sagot niya sa akin.

"Ang kuya mo papaano? Masisira ang family niyo sa gagawin mo." sabi ko sakanya.

"Sige sabihin na naten na naagaw mo si Andrea, kawawa si Jacob. He will be broken-hearted. Bakit hindi ka naawa sa kapatid ko pag nagkataon?" Tanong ko sakanya.

"Bakit ba sobrang concerned mo sa kuya ko. Tell me are you in love with him. Kahapon ko pa nahahalata dahil yung reaction mo pagkakita mo sakanya."

"So what kung inlove ko sakanya? Atleast hindi ako tulad mo selfish. Masaya na yung kuya mo sa buhay niya. You know what uuwi na ako. Its useless to argue with you." tumayo at dumiretso sa kwarto niya para magbihis ng pants ko.

Lumabas ako ng kwarto niya. At andun siya sa labas.

"Hatid na kita." sabi nya at pumasok siya sa kwarto niya para magbihis.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lucas' POV

She does have a point. Well naisip ko na rin naman yun e. I am just so desperate, I want Andrea back. Actually ang gusto ko lang naman e magpanggap na girlfriend ko si Toni para di makahalata si Kuya na gumagawa ako ng ways para makuha ulit si Andrea.

Parang sampal lahat ng sinabi sa akin ni Toni. She is very kind. I don't know what to say. She is inlove with my brother pero dahil happy na si Kuya tinanggap na niya. 

Lumabas siya ng kwarto at nagbihis pero diko naman siya hahayaan umuwi magisa kaya sabi ko sakanya ihahatid ko na siya. One more thing nagtext nako kila Josh and Kevin na kami na. I am sure magagalit si Toni sa akin dahil sa ginawa ko.

Pagbaba namen sa condo ko sumakaya kami agad sa kotse ko. Sobrang kinakabahan talaga ako na pinagkalat ko na kami na. 

Napansin niya parang wala ako sa sarili ko. 

"Lucas, okay lang ba?" sabi niya sa akin.

Sakto nasa tapat na kami ng apartment nila.

"Ahh kasi, ano e." utal na sabi ko at biglang kumatok yung dalawa niyang kaibigan sa bintana ng kotse ko.

Sabay kaming napababa sa sasakyan at sinalubong siya ng dalawa.

"Bessy, di ka umuwi kagabe magkasama pala kayo? So totoo ba kayo na ba?" Tanong ni Max sakanya na sobrang kilig.

Nanlaki ang mga mata niya at tinitigan ako. 

"ano? san niyo nalaman yan?" sabi niya.

"ah ee, kalat na kasi sa Facebook e. nakakatampo ka kasi dimo man lang kami sinabihan." sabay nguso ni Ella.

Biglang napatingin sakin si Toni na para akong gustong katayin. Napasakay naman ako sa kotse ko. Di pa nga ako nakakapagsorry sa kahapon may bago nanaman akong kasalanan.


Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon