Seven: Ngiti

33 2 2
                                    

Lucas' POV

Kagagaling ko lang kay coach dahil malapit na eliminations para sa Nationals ng team namen kaya nausap kami ni Coach.

Napadaan ako sa kitchen laboratory na tahimik na at wala ng mga estudyante at mga professors. At nacurios ako dahil may naamoy akong mabango na tila may nagluluto sa loob. Sinilip ko at nagulat ako dahil nakita ko si Sungit sa loob, siya pala yung dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganoong amoy. Nakita ko siya na nakachef's uniform at nakabuhol lang ang buhok kitang kita ko ang expression sa maamong niyang mukha na gustong gusto nya ang ginagawa nya. Nagluluto siya ng isang buong course ng meal. Nakakatuwa na pagluluto lang pala ang mukhang nagpapakalma sakanya. Nagulat ako ng napatingin siya sa siwang ng pinto kung saan ako nakasilip at nagulat ako ng may tumusok sa tagiliran ko.

"Huy! Magkakakuliti ka nyan bat naninilip ka!" tukso naman ni Kevin. Si Kevin lang pala tong naggulat saken.

"Tangna naman Kevin e, papatayin mo ba ako sa nerbyos?" sabay sapok.

"Ano ba kasing sinisilip mo dyan?" tanong nya at sabay silip din.

"Oy! wag ka nga tumingin baka maistorbo." sabay hila ko sakanya."

"naku tol si Toni yun ah! teka nga inistalk mo ba siya ha bro?" tanong nya sakin.

"Gago! hindi ahh! naamoy ko lang yung bango ng luto nya at nacurios ako." paliwanag ko.

"sge sabi mo e." tila di kumbinsido.

Ayokong magingay talaga tong si Kevin dahil ayaw kong maistorbo si Toni dahil alam kong full concentration siya sa ginagawa niya.

Nagulay kami ni Kevin nung biglang may lumabas sa pinto at niluwa nun si Toni.

"Ooopss!" sabi ni Kevin at sabay kami humarap sa kabila at paambang paalis na.

-----------------------------------------------------------------------------

Toni's POV

Habang pineprepare ko yung full course meal na napicturan ko na para ipakita ang presentation ko kay Chef bukas pagbalik niya. Kulang na lang titikim inaantay ko ang partner ko na si Josh na mukhang naligaw na naman.

"hai sino kaya ang titikim nito?" tanong ko sa sarili ko.

Nang bigla akong may mga boses na naririnig sa labas na parang boses mga lalake na at nagbubulungan pa at pagbukas ko ng pinto si Lucas at Kevin ang nakita ko.

"Oops!" sabi ni Kevin at tila paalis na hatak si Lucas.

At pumasok sa isip ko na sila ang pwedeng tumikim sa niluto ko ngaun

"are you guys hungry?" tanong ko sakanila at nanlaki pa mata.

"kami ba?" tanong ni Kevin sabay tingin kay Lucas.

Alam ko lagi kaming nagbabangayan ni Lucas pero this time ewan ko good mood ako kaya ayus lang saken kahit andito siya at kausapin ko.

"oh wow! bait mo ngayon ah?" tukso ni Lucas.

"samantalahin mo habang mabait ako." sabi ko sakanya na may kasamang ngiti.

Inaya ko na silang pumasok sa loob at tila nagulat sila dame ng food na nakahanda at napangiti ako sa kanila.

"come on dig in!" sabi ko at napatingin ako kay Lucas na sabah napatingin sa akin.

"alam mo mas maganda ka pag nakangiti." sabi nya sa akin at sabay tikim sa pagkain. Ako naman ay natulala at namula sa sambit nya.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon