Eleven: Lucky Girl

30 2 2
                                    

Toni's POV

Akala ko namalikmata lang ako sa nakita ko pero di ako pwedeng magkamali si Jacob nga yun at kasama niya si Lucas. Sobrang tindi ng pagtibok ng puso ko na kahit anong oras e pwede akong atakihin sa puso. Pero kailangan ko siyang makausap, dahil hanggang ngaun siya parin ang dahilan kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng puso ko. Dali dali ko silang hinabol ngunit sa kapal ng mga taong nakasalubong ko unti unti na silang nawala sa aking paningin.

Hindi ito maari, kailangan ko siyang makita kung kelan nakita ko na siya ulit. Hindi ko na siya hahayaan mawala pa ulit. Hinanap ko siya ngunit kahit anino nya diko na masundan.

Isa na lang ang alam kong paraan, si Lucas. Siya ang susi para makita ko ulit si Jacob.

----------------------------------------------------------------------------------

Lucas' POV

May tumawag sa cellphone ko habang naggym kami kanina ni Josh. Si Jacob. At napansin yun ni Josh.

"aba, mukha nakauwi na yata yung kuya mo dito ahh." tanong ni Josh

Sinagot ko ang tawag ni Jacob saken at niyaya nya akong magkita kami. Si Jacob ang half brother ko. Kapatid ko siya sa ama. Namatay ang mommy nya bata palang siya at nagasawa ulit si daddy at napangasawa niya ang mommy ko. Meron din nakakatandang kapatid si Jacob. Si ate Agatha. Pareho na silang umalis ng bansa. Si ate agatha, nasa Canada at dun na rin nakapagasawa. At si Jacob, umalis din siya papuntang New Zealand para magaral at samantalang ako naiwan dito. Matagal na kaming di nagkikitang magkakapatid simula nung umalis sila dito sa Pilipinas. Kaya tila parang naghimala nung tumawag sa akin si Jacob at nakikipagmeet ng lunch.

Sa mall na kami nagkita ni Jacob. At kumain kami sa lagi namin kinakainan nila Daddy noong mga bata pa kami.

"Oh bro, kelan kapa umuwi? ang tagal mong di nagparamdam akala ko wala ka ng balak bumalik dito e." sabi ko sakanya.

"kelan kapa naging clingy ng ganyan." tukso saken ni Jacob. "eto finally doctor nako arent you happy?" tanong sakin ni Jacob.

"syempre bro happy na. finally natupad mo na dreams mo." sabi ko sakanya.

"eh ikaw kamusta studies mo? balita ko mahilig ka sa sports ah?" tanong niya saken.

"oo naman, lagi nga kaming nanalo e. okay naman studies ko." sagot ko sakanya.

"eh girlfriend meron na ba?" tanong niya sa akin.

"ahh, madame!" biro ko sakanya.

"naku ikaw talaga, puro ka kalokohan." sagot niya sa akin.

"bakit ka pala napauwi? dito ka na ba magrresidency sa pagging?" tanong ko sakanya.

"ahh, hindi naman. siguro it is time for you to know. I am getting married." sagot niya sa akin na tila sobrang saya nya.

"well, who's this lucky girl?" tanong ko.

"Anak siya ng isa sa mga kasosyo ni dad. She is a friend, you know." sagot nya.

At may babaeng lumapit sa amin at tinawag niya ang kapatid ko sa kanilang endearment.

"hi hon!" sabi nung babae.

at lumingon at napanganga ako dahil kilalang kilala ko ang babaeng ito na kadarating lang.

"A-andreaa?" halos mabulol ako sa pagbanggit ng pangalan niya.
---------------------------------------------------------------------------

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon