Toni's POV
Nagising ako ang sarap sa feeling dahil di na kailangan magising ng sobrang aga para magpraktis pero mas nagising ako sa tili sa labas ni Macario.
Lumabas ako para tignan ano nangyayare at nagtititili siya.
Paglabas ko sumalubong sakin ang basket basket ng mga bulaklak.
"Omg!! Bessyyy!!! nakakakilig andame mong flowers galing dun sa poging mayabang." Sabi ni macario.
At biglang nagring yung phone ko at si Vincent ang tumawatag.
"Hey, beautiful goodmorning!" Bati nya.
"At bakit alam mo na gising nako at anong kalokohan ito?" Tanong ko sa kanya pero bago pa siya sumagot e nakita ko nasa harapan na siya ng apartment.
"Hi!" Sabi nya sa akin.
"Paano mo nalaman yung bahay ko?" Tanong ko.
"Well, i have sources Ms. Aguirre and bakit dimo nirereplyan texts ko?" Sabi nya.
"Alam mo Mr. Whatever, diko sinabi na kasama sa pagbibigay ko ng number sayo e rereplyan din kita. At sinong may sabi sayo na gawin mong garden yung loob ng sala namen?" Hirit ko sakanya at bago pa siya makasagot sinarado ko na yung pinto.
"Grabe ka lang dun bessy" sabi nung dalawa na parang naawa pa.
-----–----------————-------------------------------
Lucas' POV
Gumising ako ng maaga at masaya ako dahil nanalo sila Josh kahapon pero nakakainis lang dahil nangugulo yung kumag na Vincent na yun kay Toni.
Tumayo ako agad at naligo para puntahan siya sa apartment nila. Malapit nako sa kanila at nakita kong may lalaking nakatayo sa labas. Hindi ako nagkakamali si Vincent ang nakita ko.
Mukhang pinagsarhan siya ng pinto. At pagbaba ko sinalubong ko agad siya.
"Ang aga mo naman nabasted?" Hirit ko.
"Wag kang magalala Agustin, magiging akin din siya." Sabi nya sa akin sabay walk out.
Atsaka tumuloy naman ako sa apartment nila Toni.
Pinapasok ako ni Macario at nagtititili.
"Omg! Bessy ang aga aga may mga bisita ka ng gwapo. Kanin nlang ang kulang busog nako." Hirit ni macario at pinuntahan si Toni.
Lumabas si Toni bagong ligo, ngaun ko lang siya nakitang nakauniform ng maayos dahil madalas siyang naka chefs uniform. Nakita ko yung hubog ng katawan nya dahil yung uniform ng pambabae pencil skirt and nakaheels pa siya. Ang ganda nyaa pala.
"Oh Lucas, ano ginagawa mo dito?" Tanong nya.
"Ah--eh. Wala napadaan lang ako kaya baka gusto mo na sumabay?" Palusot ko pa.
"Ahh osge. Nagbreakfast ka naba?" Tanong nya.
"Ahh oo." Sagot ko.
"Oh tara na malelate na tayo. Okay ka lang?" Tanong nya.
Ako naman dahil sobrang gandang ganda ako sakanya natatame talaga.
"Eh si ella?" Bigla ko na lang natanong.
"Sinundo na ni kevin." Sabi nya. "Macario, ipamigay mo sa mga kapitbahay yung mga bulaklak ng may pakinabang naman sa universe yang mga yan." Bilin niya kay max.
"Teka kanino nga ba galing tong mga to bat ang dami parang nasa.." Tanong ko. Pero hindi pa ako tapos sa sinasabi ko e dinugtungan niya.
"Parang nasa garden. Hay naku kung gulay pa yan baka may silbi pa saken yan." Sabi nya at nagsmile.
"Galing ba yan kay Vincent?" Tanong ko.
"Oo grabe. Malastalker pala yun Lucas. Tinaboy ko agad ang aga-aga e." Sabi nya na nakangiti.
At sumakay na kami sa sasakyan at agad naman kami nakarating school. Sabay kaming nakababa ng sasakyan at napansin ko halos sa kanya nakatingin ang mga tao. Sanay ako sa atensyon pero iba yung atensyon sakanya para sila ngaun lang nakakita ng babaeng maganda.
At sabay na kami pumunta sa classroom habang naglalakad kami bigla siya nagtanong sakin.
"Lucas? May dumi bako sa mukha?" Inosenteng tanong nya.
"Bakit naman?" Pabalik na tanong ko sakanya.
"Eh kasi parang nanibago lang ako dahil tinitignan nila ako, dahil siguro gwapo yung kasama ko." Pagkasabi nya tapoa bigla siya nagulat na parang nadulas.
Nagulat ako pero at the same time napangiti niya ako.
"So gwapo nga ako?" Tukso ko.
"Ha? May sinabi ba ako? Parang wala naman e." Iwas niya pero pulang pula yung mukha.
"Dali na ulitin mo na." Pagkulit ko sakanya.
"Pwede ba? Oo na gwapo kana. Bwisit!" At binilisan niya lakad nya.
Simple ganito lang pero sobrang saya ng nararamdaman ko.
------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."