IF you were given a chance to see the future, would you change it? Or would you let things happen? Unfortunately, I wasn't given a chance to see the future but I was given the power to see it. Two years passed since I decided to not interfere in the so called 'fate' of human beings, dahil naniniwala ako na lahat ng mga mangyayari sa mundo ay matagal ng nakatadhana.
Pero noong araw na yon. Ang alaala noong araw na yon na dumadalaw sa'kin hanggang sa kasalukuyan. That day I regretted for doing nothing because of what I've been decided.
Umuulan noong mga panahon na 'yon. Malakas ang hangin. Wala ng halos makikitang malinaw sa kalsada dahil sa lakas ng bagyo. Maririnig ang dagundong ng kulog at makikita sa labas ang nagsasayawang kidlat. Tandang-tanda ko pa rin ang araw na yon.
'Krrsssssh' Pinatay ng kunduktor ng bus yung telebisyon na biglang nagluko. Nakikipagsabayan ang harurot ng bus sa lakas ng ulan, kulog at kidlat. Hindi ko alam kung saan papunta yung bus na nilulan ko, pero ang alam ko lang noong mga panahon na 'yon —gusto kong tumakas. Gusto kong tumakas sa realidad. Ilang linggo matapos akong ilabas sa ospital bago ang araw na 'yon, may hindi pangkaraniwang nangyayari sa sarili ko.
"When I was just a little a girl, I asked my mother what will I be..." Natatandaan ko pa rin nang sinulyapan ko ang katabi kong pasahero, isang mag-ina, nakakalong sa ale yung anak niya habang hinehele at kinakantahan.
"Will I be pretty? Will I be rich? Here's what she said to me... Que sera sera, whatever will be, will be, the future's not ours to see... Que sera sera." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noong mga oras na yon, tumayo ako para lumipat ng upuan, dahil siguro hindi ko kayang tagalan yung presensya ng mag-ina, hindi ko alam kung bakit... inggit? Pagkaulila? Siguro.
Tandang tanda ko pa na lumiko yung bus na sinakyan ko dahilan para mawalan ako ng balanse, napasubsob ako noon sa kabilang upuan, may umalalay sa'kin, pag-angat ko ng tingin sumalubong ang mga mata ng nag-aalalang pasahero, "Iha, okay ka lang ba? Dito ka na maupo," Ang pagtitig ng ilang segundo sa mga mata niya'y katumbas ng ilang segundo ng mga mangyayari sa hinaharap. Mula sa kaibuturan ng matandang ale nakita ko ang mga mangyayari sa kanya maya-maya lang... Palahaw. Sakit. Kamatayan. Aksidente. Mababangga ang bus. Magpapaikut-ikot sa gitna ng malawak na kalsada, tataob, mayuyupi, sasabog.
Naalala ko pa rin kung paano kong dali-daling tinanggal yung kamay ng ale sa aking braso, nakita kong tumingin sa'kin yung mag-ina. Wala akong inaksayang oras, pumara, at bumaba ako ng bus na yon. Kahit umuulan. Kahit wala akong payong. Wala akong pakialam. Naglakad ako ng hindi lumilingon.
Pagkaraa'y nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Rumehistro sa'kin yung mukha nung ma-ina. Napaluhod ako sa gitna ng kalsada. Tsaka ko nagsisi.
Hanggang ngayon. Dalawang taon na ang nakakalipas. Matapos ang aksidente na 'yon. Marami na 'kong mga matang nakita, marami na 'kong mga hinaharap na hinayaan lang.
BINABASA MO ANG
The Peculiars' Tale
Science FictionShe can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the future, never wants her power and believes that every event in the universe is already determined...