/67/ On the Way

220K 7.9K 2.5K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I don't know if this is the right thing," out of the blue bigla kong sinabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I don't know if this is the right thing," out of the blue bigla kong sinabi. Hininaan ni Vince yung volume ng boom box, napatingin sila sa'kin ng kambal niyang si Eliza.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jing na diretso lang ang tingin habang nagmamaneho. Malapit ng magtanghalian, pero wala pa rin kaming mahintuang lugar na pwedeng tigilan.

"Tama lang ba na iwanan natin sila?" tanong ko sa kanila.

"Jill, by this time siguro paparating na ron yung tinawag ni Don Miguel na susundo sa kanila," sabi naman ni Cloud na nasa tabi ni Jing, salitan silang nagmamaneho kada isang oras. Nakaka-apat na oras na kami sa byahe, ilang milya na rin ang layo na tinakbo ng sasakyan namin.

"Kaya nga, relax ka lang and enjoy the view." Sabi ni Vince, prenteng-prente na nakaupo, tsaka ko lang napansin nakasuot siya Hawaiian shirt at khaki shorts na tinernuhan ng sombrero at shades, while summer dress yung kay Eliza. Wait, what?

"Vince, saan mo naman nakuha yan?" tanong ko sa kanya habang tinuro yung suot niyang salamin. "And, ikaw din Eliza, terno talaga kayo?" na-aamuse kong sabi sa kanila, sila 'ata ang pinakawirdong kambal na nakilala ko, at pinaka-fashionista.

"Ah, kanino pa ba, nakita ko lang dun sa wardrobe." Ngingiti-ngiti niyang sabi habang nakakunot ako. Sumilip ako sa rearview mirror at side-view mirror, nakashades din si Jing at Cloud. Seriously, ako lang ang hindi nakaporma rito? Great. "I got one for you." Sabay abot ni Vince ng isa pang shade sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin, "What? I thought gusto mo?"

Pahablot kong kinuha sa kanya yung shades at sinuot. "Nah, ang weird mo."

"Ako pa ngayon ang weird? Can you believe this, Eliza?" sabi niya pa na parang nagsusumbong sa kambal niya.

"Presumably tatawag naman sila sa'tin kapag okay na sila." Sabi ni Eliza, binalik ang usapan. "I still can sense na wala namang nangyayaring masama ngayon."

"So, you can still sense it? That far?" tanong ko with disbelief, umiling siya atsaka sinabing,

"Instinct." Cool. Let's just leave it by her instinct, ano pa bang magagawa ko.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon