"SO... How was your sleep?"
It took a while for me to realize it. Anong ginagawa ni Enriquez dito? Dali-dali akong napabangon sa clinic bed at hinarap siya, "What the hell are you doing here?" I'm not mad at him, nagulat lang ako sa bigla niyang paglitaw sa tabi ko, it's creepy. He just smiled and raised his injured index finger.
"Did I interrupt your dream? I'm sorry hindi ko mapigilang mapatitig sa nahihimbing mong angelic face, you're so cute and fluffy." Akma niyang pipisilin yung pisngi ko pero hinawi ko kagad yung kamay niya.
"What do you mean by that?" I suspiciously asked. Did I clearly hear him?
"Nothing. Siguro you're dreaming about me, namimiss mo na ko no?" This time akma niya namang yayakapin ako pero tinulak ko siya
"Back off," Geez, this guy is really annoying. Bigla kong naalala yung paniginip ko, hindi ko pwedeng kalimutan na nawawala pa rin si Stephen, I must find him as soon as possible.
Tumalikod at aalis na sana 'ko para umalis ng may maisip ako, sinara ko bigla yung curtains na nagsisilbing divider sa clinic beds, halatang nasurpresa siya nang harapin ko ulit siya, "Enriquez."
"Whoa, what a sudden change of heart. Bakit?" excited niyang tanong.
"May pabor ako." Biglang naglaho yung malapad niyang ngiti.
"That sounds serious."
Kailan ba ko hindi nagseryoso? Gusto ko sanang sabihin.
"Yes. I am serious, Enriquez."
"Okay," Hindi ngumingiting sabi niya. "Ano yon?"
Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya, nag-iinarte or what, mukha kasing nag-iba yung mood niya matapos kong sabihin na may pabor ako. Siguro dahil tinetake advantage ko yung feelings niya para lang sa gusto kong mangyari, I hope hindi 'yon ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon. Hindi lang ako sanay na ganito si Enriquez sakin, o baka ito yung bahagi niya na hindi ko pa nakikita. Ewan ko.
"Anong favor, Jill?" parang biglang naumid yung dila ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita. "Jill?"
"Naalala mo pa yung lugar kung saan ako dinala noong makidnap ako?" I paused for a while to see his reaction, tumango lang siya without any expression, "I want you to accompany me to that place." I'm expecting him to say 'what?' at hinihintay ko siyang magulat, pero hindi, he just stared and said nothing. Kumunot yung noo ko.
"Hindi mo ba ko nari—"
"Jill, I get it." He said while raising his hands, "But you see, I'm busy, busy sa pagpapractice with my band at sa pag-aasikaso para sa night out program. I know you have your reasons kung bakit gusto mong pumunta ron, pero I'm sorry whatever that reason is I think it's unreasonable. I don't have time to play around." Tatalikod sana siya pero pinigilan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Peculiars' Tale
Science FictionShe can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the future, never wants her power and believes that every event in the universe is already determined...