/42/ Déjà vu

341K 10.1K 3.6K
                                    

"GUYS, kumpleto na ba tayong lahat?" Sino'ng wala pa rito? Let me know para sa attendance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GUYS, kumpleto na ba tayong lahat?" Sino'ng wala pa rito? Let me know para sa attendance." Anunsyo ni Ireneo sa harapan habang abala pa rin ang buong klase namin sa kanya-kanya nilan daldalan at harutan, dito sa music room, pasado alas kwatro na ng hapon, matapos ang klase pinapunta kami rito ni Ireneo. "Hey guys! Malapit nang dumating yung teacher natin sa music so please makicooperate. Sino'ng wala pa?" tanong niya ulit.

"Nasa homeroom pa yata sila Stephen at Baldo, cleaners kasi sila." Sagot ni Penelope at biglang bumukas ang pinto.

"Yoh! Ireneo kups mah men sorry kung late kami ni Stephen men." Akbay-akbay niya si Yue.

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makabalik siya. Natutuwa ako dahil ligtas siya at walang nangyaring masama sa pamilya niya. Pero... narito pa rin yung kaba sa dibdib ko. Pinagmamasdan ko lang sila mula rito sa kinatatayuan ko, masiglang nakikipag-usap kila Baldo at Penelope si Yue. Katulad ng sinapit nila Aya, nabura rin yung alaala ni Yue. Wala siyang maalala sa mga nangyari.

Noong araw din na bumalik siya ay masinsinan namin siyang kinausap ni Morris. Marami akong tinanong sa kanya pero ni isa sa mga 'yon ay hindi niya alam at wala siyang maalala sa mga isinalaysay kong pangyayari, yung blog at ang tungkol sa Memoire. Wala. Burado nga lahat. Naisip namin ni Morris na kagagawan iyon ng Memoire. Sinadya nilang ibalik si Stephen pero burado naman ang ilang bahagi ng alaala nito.

"Stephen, please." Pagsusumao ko pero nakayuko lang si Stephen, panay ang iling at paghingi ng sorry dahil wala talaga siyang alam sa kahit anong tinatanong ko, mas hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya, bilang pakiusap.

"Jill." Humawak si Morris sa balikat ko, tumingin ako sa kanya at umiling lang siya, binititawan ko na yung kamay ni Stephen na sobrang higpit pala ng pagkakahawak ko.

"I'm sorry."

Sinadya nila 'to para mas lalo akong mahirapan, kung kailan malapit  na ko sa mga sagot sa napakaraming katanungan, sa napakaraming hiwaga na bumabalot sa mundo  at pagkatao ko. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula, kung ano na ang gagawin ko, kung ano nga ba talaga ang nakaguhit sa kapalaran ko.

"Sorry din, Jill," paghingi rin ni Stephen ng sorry sa'kin. "Sorry kung hindi kita matuttulungan. Wala talaga 'kong alam sa mga tanong mo. Nagkasakit ako pagkatapos ng recollection natin kaya hindi ako nakapasok. Sorry ulit kung pinag-alala ko kayo." Iyon ang huli niyang sinabi at umalis na siya.

"Morieee," Sumulpot bigla sa tabi ko si Aya. "Ang lalim 'ata ng iniisip mo ah. May problema ka ba? Baka makatulong ako? Hihi."

"Ah. Wala naman. Hindi ka na nasanay. Ganito naman ako palagi." Palaging hindi tumititig ng matagal sa mga mata niyo.

Tumawa si Aya.

"Bumabalik ka na naman sa pagiging loner mo ah, ice doll the second ka rin eh no. In fairness Jill ha, ang laki ng inimprove ng emotions mo simula nang pumayag kang sumabay sa'min maglunch noon sa roof top."

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon