/32/Truth or Die?

343K 11.9K 1.7K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"PENELOPE."

"Bakit Jill?"

"Umm... Anong oras na?"

She glanced at her wristwatch.

"8:50. Thank goodness gumagana pa yung relo ko after nating magsplash kanina sa falls."

"Buti na lang. Sige, thanks." Bumalik ulit ako sa kinuupuan ko. Kalahating oras na ang nakalilipas pero hindi pa rin nakakabalik si Aya rito. Kaya naman kanya-kanya lang sila ng ginagawa rito sa common room, pinapatay ang oras while waiting for Miss Karen's next orders. Kanina ko pa nahahalata yung dalawa kong kaklase na para bang hindi mapakali at gustong lumapit sa'kin, I can feel their gazes beside me.

"Jill." Si Baldo, umupo siya sa tabi ko.

"Oh?"

"Kanina pa yung dalawa na  yun oh, si Celine at Trinie." Tinuro niya yung dalawa, "hindi rin ako mapakali sa kanila eh, ako lalapit dyan." Tatayo siya at akmang lalapit doon pero hinila ko sya pabalik sa upuan.

"Wag, hayaan mo sila, lalapit din yan mamaya." Sabi ko.

Tumango lang si Baldo, "Sige, punta lang ako kila Morris at Tadeo." Paalam niya tsaka umalis sa tabi ko. At tama nga ko dahil pagkaalis ni Baldo ay lumapit na silang dalawa sa harapan ko.

"Umm... Morie." Celine said, "Thank you nga pala."

"Para saan?"

"Kanina, sa sinabi mo kay Miss Karen."

Ah. Yung sa dinner.

"Tsaka gusto naming magsorry."  Sabi naman nung Trinie.

"Magsorry?"

"Mas pinili pa rin namin si Ireneo kaysa sa'yo."

"Sorry talaga."

I can feel their sincerity that made me speechless. Pero... hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi nilang dalawa sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. Hindi ko naman ginawa 'yon para magsorry sila.

"Wala 'yon." Tanging lumabas sa bibig ko at binaling ang tingin sa ibaba. Umalis na silang dalawa sa harapan ko pero hindi lang pala sila yung may gustong lumapit sa'kin. Nagulat ako nang makita sila at marinig na nagpasalamat at humingi ng sorry. Mas lalo akong naging speechless  sa mga nangyayari.

"Jill." This time si Alexi Sabina naman ang nasa tabi ko, tumingin ako sa gawi niya pero siya naman ay nakatingin lang ng diretso sa unahan. Ok lang,  nang hindi ko makita ang mga mata niya na minsan ko nang nakita noon.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon