/2/ Seer

732K 21.7K 4.4K
                                    


In the City of God, there will be a great thunder,Two brothers are torn apart by Chaos,While the fortress endures, the great leader will succumb,The third big war will begin when the big city is burning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

In the City of God, there will be a great thunder,
Two brothers are torn apart by Chaos,
While the fortress endures, the great leader will succumb,
The third big war will begin when the big city is burning


NAKATITIG lang ako sa lecture sa blackboard habang nakapangalumbaba. Kalahati ng klase ang hindi nakikinig, yung iba natutulog na lang o kaya nakikipagdaldalan sa katabi, yung isang kalahati ay pursigido pa ring nakikinig

Habang nagdi-discuss, palakad-lakad rin si Miss Karen sa classroom, nakalagay ang dalawang kamay sa likuran. "Nostradamus, the most famous astrologer who ever lived..." tinapik nya pa yung nadaanang natutulog at napabangon naman ito, nagpatuloy siya, "And that quatrain written on the board contained the prediction of 9/11 bombing." Aniya, malamig ang boses, huminto sa harapan nang may nagtaas ng kamay.

"You mean, nakita ni Nostradamus ang future?" tanong ng nerd kong kaklase, si Penelope.

"They said he 'foresaw' it. By interpreting this quatrain, they assume na ang 'The City of God' ay ang New York. Then 'the two brothers are torn apart by chaos' must be the fallen towers of the World Trade Center. 'Fortress' is the Pentagon. 'The great leader will succumb" must be the United States. And 'the third big war' means World War III."

Matapos sabihin iyon ay nagkanya-kanya silang diskusyunan, kanya-kanyang reaksyon, may mga natakot, may mga hindi naniniwala, may mga sumang-ayon. yung mga natutulog ay biglang nagising dahil sa mga diskusyong naglilikha ng ingay, at yung iba wala naman talagang pake, gaya ko  

"So, sino sa inyo ang naniniwala sa prediction na to?" tanong ni Miss Karen at huminto sa gitna.

May mga nagtaas ng kamay, at may isang tumayo para magsalita. 

"I think, the lines are accurate sa mga nangyari, mam." 

"Ok, so, sino naman ang hindi naniniwala?" lumibot si Miss Karen ng tingin, kaunti ang nagtaas ng kamay, at nagpatuloy sila sa sari-sarili nilang argumento.

"Imposible yon, paano nya masasabing New york yun kung hindi pa nag-eexist yun sa panahon nya?"

"It's a faux pas, mam." Sabi naman ni Penelope, inayos pa ang salamin sa mata, senyales na sigurado ang kanyang sagot

"Are you sure?"

"Opo."

"Well,you're right. It's not true" Pagkatapos ay sabay-sabay silang nagreact, samantalang ako nanatili lang walang imik at nakatingin sa board. Ang tagal naman matapos ng klase.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon