/45/ Artifice

331K 10.3K 4K
                                    

"Anong pangalan mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong pangalan mo?"

"Ako na ang nagbigay ng bagong pangalan niya. Her name is---"

"Jillianne Morie!"

Nagising ako bigla dahil sa lakas ng isang galabog na hampas sa mesa. Bumangon ako sa pagkakasubsob sa mesa at nakita ko sa harapan ang Math teacher namin na tila umuusok ang ilong at tenga dahil sa galit. Wrong timing. Mas lalo pa ata siyang nainis nang maghikab ako. Katulad ng inaasahan, nakatingin silang lahat sa'kin, siguro nag-aalala kasi dahil ipapahiya ako ng teacher namin o siguro wala rin silang pakialam.  Late na kami nakauwi kagabi galing San Isidro kaya pareparehong kulang ang mga tulog namin. To think na mas naconsume yung energy  ko nung hininto ni Seraphina yung oras.

"Answer this on the board!"

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan, kagaya ng gusto niya sinagutan ko yung problem na nasa board. Wala na lang siyang nasabi matapos makitang tama ang solution at sagot ko. Bumalik ako sa upuan ko, tsaka ko naalala yung panaginip ko kanina.

Hindi ko na masyadong matandaan pero yung pinakahuling eksena na naalala ko pa, may isang lalaki yung kumakausap sa'kin, tinatanong kung anong pangalan ko, may babaeng nagsalita na nagsabing siya raw ang nagbigay ng bagong pangalan ko. Weird.

Finally, sumapit din ang uwian, ang pinakahihintay ng lahat. Unfortunately, isa ako sa cleaners ngayong hapon kaya wala rin akong nagawa kundi magstay para maglinis.

"Jill, sabay na tayong maglakad pauwi." Napatingin ako sa nagsalita, si Stephen, magkasama kami sa grupo ng cleaners ngayong araw, sila Aya nauna ng umuwi. Tumango lang ako atsaka inayos yung mga gamit.

Tahimik lang kami pareho ni Stephen habang naglalakad, hindi ko maiwasang maalala yung mga nangyari kagabi, aminado ako na kinabahan ako nang mawala siya habang huminto ang oras, kinabahan ako dahil minsan na siyang biniktima ng Memoire, binura nila yung ilang alaala niya na siyang naging hadlang sa pagtukoy ko sa katotohanan.

"Yue," ako na yung unang nagsalita para mabasag ang katahimikan. "Okay ka na ba?"

"Huh? Oo naman, ano bang klaseng tanong yan, Jill."

"Wala lang. Binura kasi nila yung alaala mo kaya wala kang matandaan na kahit isa sa mga tinanong ko sa'yo noon."

"Oo nga eh." Huminto rin ako sa paglalakad nang huminto si Stephen, nasa tapat kami ng Mirku's. "Nagutom ako bigla." Sabi niya nakatingin pa rin sa store. "Gusto mo bang kumain, Jill?" yaya niya.

"Sige lang." pumasok kami sa loob ng store at umupo sa pangdalawang bakanteng pwesto. Umorder kami pareho ng Milk shake at club sandwich.  Habang iniintay namin yung pagkain nagsimulang magkwento si Stephen ng kung anu-ano, tahimik akong nakikinig sa kanya at pangiti-ngiti lang.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon