Tartini
Naglakad lang siya hanggang sa sakayan ng bus. Naiiyak na siya sa bus dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta, nagpakatatag lang talaga siya.
Before she got all the attention, now she's alone. It's terrifying. But she's Tartini, she don't know how to give up, girl you got this, udyok niya sa sarili. She had no one but herself.
"Let's go Missy, we got this" saad niya sa bitbit niyang pusa.
Nilapitan niya ang isang vendor.
"Excuse me, can I ask?"
"Ay foreigner, ate hindi po ako marunong mag-ingles" tarantang sagot ng isang babae.
"Pinoy po ako."
"Ahw akala ko kasi foreigner, blonde ka kasi. Ano nga iyong tatanungin mo?"
"May alam po ba kayo ritong murang apartment."
"Apartment? Ay nako mahal ang mga apartment dito ang pinakamura rito ay mga motel."
"Motel?"
"Oho, kaliwa ka lang dyan sa eskinitang 'yan magkakadikit ang mga motel dyan."
"Sige po salamat."
Kung hahanap siya ng apartment baka hindi abutin ng isang linggo ang pera niya. Ano matutulog siya sa daan after that? Kaya mas pinili niya na lang sa motel magstay. Pumasok siya sa loob. Sinalubong siya ng isang babae.
"Ilang oras miss?"
"Anong oras? I'll be staying for a week."
"Isang linggo? Grabe, mukhang tiba-tiba ang booking natin ah. Sabagay sa ganda mo ba namang 'yan."
"What booking are you talking about? I'll be staying here for the meantime dahil wala akong matirhan."
"Ay sorry po, pasensya ka na akala ko kasi...nga pala 2k ang isang linggo dito."
"I'll pay full."
"Okay, sumunod ka sa akin miss."
Matapos makapagbayad ay sinamahan siya ng babae sa magiging kwarto niya. Napansin niya ang medyo madilim ang hallway na dinadaanan nila.
"Wala bang lights dito?" tanong niya.
"Nagtitipid kasi ang may-ari nitong motel. Huwag ka mag-alala wala naman multo rito. Sa ingay ba naman ng mga kwarto rito tuwing gabi baka mahiya na ang multo mang-istorbo."
"Ingay? Like someone is partying here at night?"
"Ay naku miss, malala pa sa party."
"I don't get it. Anyway, saan ba ang kwarto ko?"
"Dito ho."
Huminto sila sa isang pink na pinto. Nang buksan iyon ng babae isang single bed, one table and one chair.
"Nasa kaliwa ang cr. Heto ang susi mo."
Kinuha niya ang susi at pumasok sa loob. The room was a size of her bathroom. Itinabi niya ang maleta. Nagpalit siya ng pajama. Nagpasya rin siyang putulan ang mahabang buhok hanggang leeg ang haba. She wanted to start a new life.
Nakakain naman siya kanina so balak niyang matulog na lang. Pero paano siya makakatulog kung panay kalabog ang nasa kabilang kwarto.
Lumabas siya at kumatok sa kabilang kwarto. Hindi pa siya pinagbuksan ng mga ito pero hindi niya tinigilan ang kakalampag sa pinto nito. Binuksan iyon ng isang babae. Napadako ang tingin niya sa suot nito na sa sobrang nipis ay kita niya na ang dibdib nito, she's not even wearing a bra.
"Ano ba iyon? Bakit ang istorbo mo?"
"Hindi ako makatulog sa mga kalabog niyo rito. Can you minimize your noise?" saad niya rito.
"Aba nagtaka ka pa, syempre nasa motel ka."
May sasabihin pa sana siya pero sinirado na nito ang pinto. Inis na bumalik siya sa kwarto. Nawala naman ang kalabog kaya nakatulog din siya pero nagising din siya sa kalagitnaan ng gabi nang makarinig ng mga ungol sa kabilang silid.
=================================
Anselmo
Inihatid niya si Phoebe sa bahay nito bago umuwi. Nagtake-out din siya ng pagkain para kay Tartini. Pagdating niya nadatnan niyang hindi mapakali si Aling Lagring and he already know it's about Tartini.
"Sir Ansel si Tartini...."
"Ano na naman ang ginawa ng brat na iyon Aling Lagring?"
"Wala siya sa kwarto."
"Baka nasa bodega lang po iyon, alam niyo naman si Tini."
"Tiningnan ko na, wala doon. Mukhang naglayas na nga po talaga si Tartini sir, wala na rin kasi ang ilang damit niya sa kabinet tapos wala rin ang isang maleta niya."
Napahawak siya sa kanyang sintido. Pinuntahan niya si Mang Rhodel baka sakaling inihatid nito si Tartini pero wala rin itong alam. He tried calling her pero cannot be reach ang cellphone nito.
Tartini, where the hell are you?
BINABASA MO ANG
The Monster Kisser
HumorTartini is known for being a brat, rude and step on other people's feelings. Her dad wants her to handle their farm that's why she was sent there with Anselmo, her dad's marketing manager. Ansel is the type of person who won't budge on her bratty at...
