Kabanata 1 (Honestly, you're not my type)

457 9 0
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, business, places and events are product of authors imagination.
Any resemblance of actual person living or dead and actual events are coincidental.
Never published without the authors permission.
Thank you.

------------------------------------------------------------

Tartini

She was born to be a spoiled brat. Nag-iisang anak siya ng mga Oliveros kaya binibigay lahat sa kanya lalo pa at ulila na rin siya sa ina. Marami nga ang naiinis sa kanya dahil puro siya kaartehan, pati pananalita niya ang arte napakakonyo niya kasi magsalita...well she's born to slay, duh. Higit doon madalas din siyang sabihan na napakapintasera niya, duh masama na pala magsabi ng katotohanan ngayon? Bukod pa doon napakasensitive niya raw pero insensitive naman sa feelings ng iba. Anyway, they're free to hate me as if she cares.

"Hi daddy" bati niya sa ama na nagbabasa ng magazine.

"Hello? Saan ka galing?"

"Shopping."

"Nagshopping ka na naman? Marami ka pang bags at sapatos dyan ah. Anak hinay-hinay naman sa paggastos."

"Daddy it's no biggie ang konti lang kaya nitong pinamili ko."

"Konti? You brought 20 bags, kita mo nga oh hirap na hirap na si Zaya sa pagbitbit ng mga pinamili mo" he was talking about her personal yaya.

"That's her job. Anyway, I spend little this time. At saka this is how I relieve my stress."

She studied on a fashion school.

"Kung stress ka why don't you go on a trip? Keep busy. Pumunta ka kaya ng farm? Mas presko ang hangin doon. Work there then you won't hear a word from me every time you go shopping."

"What work? At isa pa daddy nandyan naman kayo, kaya niyo na 'yan."

"Eventually, kailangan mo rin matuto how the family business work dahil ikaw lang ang magmamana ng farm. Paano kung mawala ako huh Tartini?"

"Daddy don't say that! Nawala na si mommy tapos pati kayo. Paano naman ako?"

"That's why I tell you to study how the farm and production works para kahit papaano ay alam mo maghandle ng farm kapag nawala ako."

"There you go again, stop saying you will die soon. I'm gonna cry."

"People die, Tini."

"I know, but it's too early. If you die, I will die too sige ka."

"Nanakot ka pa, sige na iakyat mo na 'yang mga pinamili mo para makakain na tayo."

"Okay. Zaya, let's go."

Nagpalit siya ng damit.

"Zaya, i-arrange mo na ang mga pinamili natin. And take note be careful on touching them baka magasgasan mo pa."

"Okay po ma'am."

"At kapag kinakausap kita yumuko ka dahil naalibadbaran ako sa kapangitan mo."

"Noted po Ma'am Tini."

Bumaba na rin siya para makakain. Just as she enter their dining area napansin niya na may kausap ang ama.

"Oh there you are, maupo ka na Tini" tawag ng ama.

"Who's this?" tanong niya.

"He is Ansel, the new marketing manager. Ansel, this is Tartini my daughter."

"It's nice to meet you Tartini. I'm Anselmo Gabe Larazabal."

"Sino ang nagpangalan sayo ng Anselmo? It's so bantot naman."

"Tartini" saway ng ama.

"What? Tinatanong ko lang naman daddy."

"I got it from my grandfather."

"Okay."

"Tini, I told Ansel to teach you about farming para ngayon pa lang alam mo na ang pasikot-sikot doon. I want you to know every single detail."

"Hindi ba nag-usap na tayo tungkol dito daddy infact kanina lang 'yon."

"Sundin mo na lang ako Tartini, it's for your own sake. Oo nga pala, dito na rin titira si Ansel. He is from the city at mahihirapan siya if magtravel pa siya back in forth so I offer him to stay here since malaki naman ang bahay."

"Daddy! Nakakalimutan mo na ba na babae ang anak mo tapos you're gonna invite a man to stay here with us, no offense Anselmo paano kung matemp ka because of me, ang sexy ko pa naman. Anyway, daddy please reconsider."

"My decision is final, Tartini."

"Don't worry Tartini, I already have a fiancee and honestly you're not my type" saad ng lalake sa kanya.

"Daddy you heard that, your new marketing manager just insulted me fire him now na, as in now na!"

"Nakukulili na ang tainga ko sa boses mo anak, mabuti pa kumain na tayo."

Sa inis niya sinipa niya ang paa ng lalake sa ibaba ng mesa. Pinukol siya nito ng tingin, she just smirk at him.

'You will be living here, then I make this a living hell'

Napapangiti pa siya habang iniisip 'yon.

"Ano bang nginingiti-ngiti mo dyan, kumain na tayo" untag ng ama.

Napasimangot siya. Tahimik silang kumain.

The Monster KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon