Kabanata 10 (Bossy)

76 6 0
                                    


Tartini

Hinarap niya si Anselmo.

"Can anyone tell this woman how to make a lemonade. Simpleng lemonade lang hindi niya pa magawa ng tama."

"Tartini pwede ba wala ka sa bahay mo para mag-inarte. At anong malay ng mga tao rito sa kaartehan mo. Kung gusto mo ng lemonade make it yourself tutal marunong ka naman 'di ba?"

"Gagawa talaga ako. Tabi nga dyan."

Nagtungo siya ng kusina. She get a knife and a lemon.

"Ahm, ako na ho ang maghihiwa baka masugatan pa kayo ma'am" ani Lagring.

She thinks Lagring is 38 years old.

"Pwede ba, stay away. Hindi niyo naman nagawa ang lemonade ko 'di ba so don't bother helping me."

"Eh marunong ho ba kayo gumamit ng kutsilyo?"

"Of course."

Paghiwa niya pa lang ng isang beses dumulas ang kutsilyo at dumiretso sa daliri niya.

"Aah!!!" atungal niya.

"Sabi ko naman sayo eh, dapat nakinig ka na lang."

"Don't just stand there, help me!"

"Ito na nga po."

Biglang dumating si Anselmo.

"What is it this time, Tartini?"

"Can't you see I'm bleeding? Call an ambulance or else mauubusan ako ng dugo."

Imbes na tulungan ay pinagtawanan pa siya ng lalake.

"It's just a small cut, you're overreacting."

"OA na kung OA I need medical attention."

"Ma'am heto na ho ang yelo idampi niyo ho ng bahagya sa daliri niyo para hindi masyado makirot" ani Lagring.

"Ako ng bahala rito Aling Lagring" ani Anselmo saka siya binalingan.

Hinawakan nito ang daliri niya at tinapat sa gripo pagkatapos ay dinampian ito bahagya ng yelo. This time he is so gentle and caring.

"What?" he asked. Napansin siguro nito na napatitig siya rito.

"May side ka naman palang ganito but why are you so barbaric and evil most of the time?"

"Nagsalita ang anghel."

"I never said I am."

"Dahil dyan."

"Ang alin?"

"You always have a say on everything hindi ba pwedeng tumahimik ka na lang."

"I have mouth to speak duh."

Diniinan nito ang paghawak sa daliri niya.

"Ouch! You're killing me, Anselmo" she scowled.

"Ang arte ah, malayo pa ito sa bituka. Dapat kasi nakinig ka na lang kay Aling Lagring hindi ka sana nasugatan pa pero dahil nagmamagaling ka na naman heto ang napala mo."

"Because she can't make my lemonade so I have to make it."

"Ikamamatay mo ba kapag hindi ka nakainom ng lemonade? It just a drink Tartini, if you are thirsty then uminom ka ng tubig."

"But I want a lemonade."

"Hindi sa lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo Tini. Now, don't be a baby and just drink a water. O baka gusto mo pa ipagkuha kita?"

"I'll get it."

Sinamaan niya ito ng tingin.

=================================

Anselmo

Nilagyan niya ng ointment ang sugat ni Tartini.

"Mabuti iyan lang ang nangyari, kapag ikaw naputulan ng daliri dahil na iyon sa katigasahan ng ulo mo."

"I'm just unlucky today."

"Kararating mo lang gumawa ka kaagad ng problema."

"Stop! Tapos ka na? Babalik na ako sa kwarto ko."

"Hindi pa pwede."

"Bakit na naman?"

"Because we were going to go around farm. Titingnan natin kung gaano ang sira ng farm."

"Kaya mo na 'yan."

Akmang aalis ito nang hilahin niya pabalik. He held her waist.

"Grouper!" tulak nito sa kanya.

Napangisi siya.

"Let's go."

Nagpasama sila kay Mang Rhodel sa pag-iikot-ikot. Nilingon niya si Tartini.

"Wear this" inabot niya rito ang dalawang bota.

"It's smelly."

"Susuotin mo ito o gusto mo iyang sandal mo ang kapitan ng putik?"

"Do I really need to go?"

"Of course."

"Kainis naman oh."

"At isa pa bakit iyan ang sinuot mong palda ang haba-haba."

"It's called fashion and being chic."

"Hawakan mo ang dulo niyan kung ayaw mong mapuno ng putik 'yan. Alam mo naman na maputik dito nagagaganyan ka."

"Huwag mo nga pakialaman ang damit ko. I will wear what I want."

"Fine, princess. Bilisan mo na dyan."

"Oo na, why are you bossy?"

Napasimangot ito saka isinuot ang bota.

The Monster KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon