TartiniIlang sandali pa ay nakarinig siya ng katok sa pinto.
"Tartini, can we talk?"
"No! Go away!"
"Please Tini. Ano man 'yang pinagdadaanan mo I want you to know that na hindi ka nag-iisa."
"I don't need anyone! Hindi niyo ako maiintindihan so better leave me alone!"
Hindi siya lumabas para kumain. Pero ganoon pa man ay dinalhan parin siya ni Anselmo ng pagkain.
"Kumain ka na, baka magkasakit ka pa sa ginagawa mo."
"I don't want to eat."
"Tini..."
"Like I said I don't want to eat!" hinawi niya ang tray kaya tumilapon sa sahig ang mga pagkain.
"Ano ba ang nangyayari sayo?"
"Bakit hindi mo tanungin si Phoebe kung ano ang sinabi niya sa akin?"
"Tartini...that's not her story to tell. Sa tingin mo hindi ko siya tinanong? I asked her pero dahil nirerespeto niya ang feelings mo, she didn't say a word."
Her eyes watered. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay kulang ang pagkatao niya.
"Tini-"
"Just leave me alone, Anselmo."
Nagtalukbong siya ng kumot. Mayamaya pa ay naramdaman niyang lumabas ang lalake pero bumalik din ito pero hindi na siya nag-abala pang silipin ito.
"If you wanted to eat, dinalhan kita ng bago pero kung ayaw mo talaga just leave it here kukunin ko na lang mamaya" saad nito bago ito lumabas ulit.
Napahikbi siya. Niyakap niya ang kanyang pusang si Missy. Nang mga oras na iyon pakiramdam niya ito lang ang kakampi niya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kanyang mga nalaman. At tanging ang daddy niya lang ang makakasagot ng lahat ng iyon. Pero saan niya hahanapin ang ama?
Naligo siya at nagbihis. Nang masigurado niyang tulog na ang mga tao sa bahay saka siya lumabas. Pinuntahan niya si Mang Rhodel.
"Anong ginagawa niyo rito Miss Tartini? Bakit nag-iisa kayo?"
"Pasensya na po Mang Rhodel kung nakaistorbo ako sa inyo. Kailangan ko lang po talaga ng tulong ninyo."
"Ano ho ba iyon?"
"Pwede niyo ba akong dalhin sa Forest Lane Memorial Park?"
"Nang hatinggabi? Ano po ang gagawin niyo doon?"
"May bibisitahin lang po ako."
"Sige, hintayin mo ako rito at kukunin ko ang kuliglig."
"Sige ho, salamat Mang Rhodel."
Inihatid nga siya ni Mang Rhodel gamit ang kuliglig. Pagdating sa memorial park ay hindi niya na pinasama pa sa loob ang lalake.
"Pwede ho ba ninyo akong hintayin na lang dito?"
"Sige, pero sigurado ka ba na hindi na kita sasamahan sa loob Miss Tartini? Gabi na ho."
"Huwag po kayo mag-alala sa akin Mang Rhodel kabisado ko na po itong memorial park. At kilala na rin ho ako ng guard kaya okay lang po talaga ako."
"Okay, hihintayin na lang kita rito."
Pumasok siya sa loob. Pinagawan talaga nila ng mausoleum ang ina. Pagkapasok niya sa loob napahagulhol na lang siya ng iyak sa harap ng puntod ng ina.
"Mommy, it's really hurt. Hindi ko alam paano iyon nagawa ng daddy sa inyo. I always thankful na minahal niyo parin ako sa kabila na hindi niyo ako tunay na anak. Ngayon gulong-gulo na po ako mommy, kaninong anak ba talaga ako? Sana nandito po kayo para kahit papaano ramdam ko na hindi ako nag-iisa. I can't reach daddy as of the moment. Wala na pong natira sa akin mommy. I'm broke. I have no one. Ano po ang gagawin ko ngayon? My life is really mess up mommy."
Kahit alam niyang hindi siya sasagutin ng ina ay inilahad niya parin dito lahat ng hinanakit niya na kahit sa ganoong paraan ay gumaan man lang ang pakiramdam niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/344220045-288-k622921.jpg)
BINABASA MO ANG
The Monster Kisser
HumorTartini is known for being a brat, rude and step on other people's feelings. Her dad wants her to handle their farm that's why she was sent there with Anselmo, her dad's marketing manager. Ansel is the type of person who won't budge on her bratty at...