chapter 7

82 8 0
                                    

Inabot na ng gabi na nakahiga parin ako sa higaan. Hindi ko nga alam kung nakauwi na si Azel dahil nagkulong lang talaga ako... tsaka nagseselos ata ako.

Putcha ako? AKO MAG SESELOS? tanong ko sa isip ko. "Aba oo!! Nagseselos ako! Hindi naman ako naka Jak Roberto Build para hindi mag selos e!" Sisigaw sigaw pa ako na para 'bang wala akong kasama rito sa buong mansion.

Tumayo ako at lumabas nang kwarto. Ramdam ko rin na nagugutom na ako, tangina naman kasing silos yan e.

Dire-diretso ako sa kusina at naghanap nang makakain roon. Hinagilap ko ang kaya ko lang lutoin. Sa frozen foods.

Sa huli ay nakaluto ako nang ham at hotdog. Nag saing lang ako at nag cellphone.

Nakaramdam ako nang naglalakad kaya napataas ang tingin ko sa hagdan. Pababa si Azel at mukhang kakaligo lang. Pabagsak na umupo sa couch na nasa harapan ko ito. Mukhang stress ah.

"Kakauwi mo lang?" Tanong ko kaya napatingin ito saakin.

"Yes, how's your day rito?" Sagot nito.

Napalaki ang mata ko nang tanungin ako nito. "Wow, you ask me!! Dis nat you!!" Walang hiya kong saad at napapalakpak pa.

Narinig ko ang pag tunog nang rice cooker kaya napatayo agad ako para mag handa. Sumigaw pa ako nang wait kay Azel.

Nag handa ako nang dalawang plato at nilagyan na iyon nang pagkain. Bumalik ako sa sala at nakita si Azel na nakatulog na ata habang nakaupo. Napailing iling nalang ako.

Inilagay ko iyon sa tapat niya at sa tabi niya nalang ako tumabi. Tinitigan ko pa siya, wow kainis hindi ata ako magsasawang hangaan lagi ang ka-gwapuhan nang lalaking ito.

He's really really handsome, he has this long eyelashes, narrow nose, sharp jaw and those reddish lips. He's beyond perfect. He has this aura that can be Arkanghel while Lucifer at the same time.

My cheeks burned, I just look away habang ginigising siya. "U-Um Azel, kakain ka muna bago matulog" inalog alog ko pa ito bago ko maramdamang gumalaw na ito.

Hindi ko na ata kayang tignan pa siya, "Ito yung pagkain mo.." sabi ko at itinapat na sakaniya ang pagkain niya bago tumuon sa pagkain ko.

Kinuha niya naman iyon kaya tahimik kaming kumain. "Azel?" Tawag ko rito at hinarap siya. Ang ganda rin pala nang asul na mga mata nito.

"Hm?" tanong nito at tinignan ako bago ibaling ulit ang tingin sa pagkain niya.

"Let's play, like umm getting to know each other" sabi ko at sumubo.

Napatingin ulit ito saakin at napakunot muna bago tumango tango. "Okay" sagot nito.

"Ako muna magtatanong ha?" Kagaya kanina ay tumango lang ito at sumubo.

"Parang alam ko na lahat ng saiyo e! Ang duga!" Napasigaw ako at napakamot nang ulo. Napanguso pa at napahalumbaba.

"What? A-Anong alam mo na saakin?" Tanong nito na mukhang naguguluhan sa aking pinagsasasabi.

Napangiti naman ako nang matamis sakaniya. Proud akong nagsalita sa harapan niya. "You're Stone Azel Buencamino, you have a twin brother Stone Axel Buencamino! You're mother is Adelle Buencamino and you're father is Javier Buencamino!!" Sabi ko.

"What else? You're crazy stalker, Ivel. A dangerously one." Napatango tango naman ito at nakatingin saakin. He has this amused look while looking at me kaya naproud ulit ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

"You're 36 years old, you are the CEO of BG or Buencamino Group that your father inherited for you!" Napapangiti na ito saakin habang nakatingin.

Bilib na ata ang manok ko na ito e!!

"You're damn height is 6'5 and you're half Russian so that's why you have those blue eyes!" Nagpatuloy kong saad sakaniya.

Napatawa siya kaya nanlalaki ang mga matang tumingin ako sakaniya. "YEAHHHHH! I made you smile and laugh!! May chance nga akong maging asawa mo!" Napataas ata ang boses ko kaya napatigil siya sa narinig. Sumigaw nga pala ako hindi lang napataas ang boses.

"W-What? Maging asawa ko?" tanong nito, napalayo ang tingin niya nang namumula pala ang pisngi siya.

"Aw, napa blushed ko ang isang Buencamino!!" Napapalakpak pa ako habang napapahampas sa sofa.

Napatingin ito saakin nang naiinis ata. "I'm n-not!" Sabi nito saakin.

Natawa lang ako, "Not nat-in mo mukha mo!" Sabi ko nalang at tumawa pa sakaniya.

Napahinga siya nang malalim, "You're unbelievable" bulong nito na nagpakunot saaking nuo.

"Ano? Yes, you're right. I'm not believable because I'm unbelievable" Tanong ko, akmang sasagot na siya nang pigilan ko siya. "Ah basta GTKEO nalang tayo!" Sigaw ko pa.

"What is that?" Tanong nito na nakakunot parin ang nuo.

"GTKEO!! in short yan, ang meaning niyan ay Getting To Know Each Other!!" Sagot ko at napakunot pa ang nuo sa Inis "Ang tanga mo naman e!" Sabi ko.

Nagulat pa siya sa madaliang paghampas ko sa braso niya. Napapikit pikit pa ito. "I can't believe, you can do that" sabi pa nito "Your face is innocent but you act like a maton" sabi nito na pa-conyo.

Kakainis, "Dapat Inis ako sa kaartihan mo e pero kasi ang cute para saakin!" Naiinis nanaman tuloy ako sa sarili ko. Out of nowhere ko sumagot pero wala naman siyang paki kaya okay lang.

"Let's start na, matutulog ka pa" sabi nito saakin.

Napatango tango pa ako rito dahil totoo iyon. "Okay first question, who is your first love?" Tanong ko agad dahil iyon nalang ata ang hindi ko alam sakaniya.

Halata namang natigilan siya saaking tanong. "Ivory. " Tanong nito halatang ayaw akong sagutin.

"Wow straight to the point. Ganoon pala mga tipo mo. Ang layo nang agwat naming dalawa kaya mahirap ko siyang magaya! Iyon ang tipo mo e!" Sabi ko.

Napatigil ulit siya at naiinis na tumingin saakin, "You don't even need to know that, you and Ivory has your own unique way. And past is past, Ivel. We need to face the present." Sabi nito at hinihingal na tumigil.

I'm amused while looking at him. Nakangisi na 'to habang nakatingin sa reaksyon ko ngayon.

"Puwede ka bang mag kuwento ngayon, Azel. Kung bakit siya?" Tanong ko pa.

"Cause she's my childhood crush?" He's not sure by his answer. But I nodded as an answer by what he said.

"Ngi, hirap non paano ako? E hindi mo naman ako naging childhood crush" bulong bulong ko pa kahit totoo namant pinarinig ko rin sakaniya.

He chucked while his lips is on his knuckles. "You're in my present, Peanut. Not on my childhood. I will forget the past and I will now look on my present" bulong nito habang nakatingin saakin.

Matapos ang gabing iyon hindi ko alam kung nahimatay ba ako o nakapasok pa ako sa kwarto ko at nakatulog pero kasi nagising akong nasa kama na e... Ah basta, bahala na!

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon