Oh, siguradong kinakabahan ako habang nakatingin sa aking crushiecakes.
Siya pala ang magbabantay sa'kin! More than willing ako mag-pabantay! Kung pwede nga lang pakitali narin e! 24/7 okay din, ehe.
"Aalis kami bukas, are you sure you'll be okay with him?" Bumulong si Kuya.
Hindi parin ako makatingin sakaniya at kay Azel lang nakatingin na ngayon ay nakaupo sa single sofa at naka-dekwatro. Pogi.
Tumango tango ako kay kuya bilang sagot. "Opo kuya, please arrange our marriage na" wala sa sarili kong sabi. Natauhan ako ng biglang muntikan ng lumabas ang tawa ni Kuya.
"Hindi joke lang, kuya. 'No kaba! Ayos na ayos, kuya! Mukhang magiging maayos nga!" Nag-aalangang ngiti ang binigay ko kay kuya.
Nakatingin ito kay Azel na parang inaalam ang buong physical appearance nito at kung ano ang tumatakbo sa utak ng nakaupong lalaki.
"Are you sure?" Tanong ulit nito na pabulong.
"Yes, kuya! Para namang bata pa ako oh! Laki laki ko na e!" Sabi ko pa walang pakielam kahit marinig ni Azel iyon.
"Okay okay, yung gamit mo nasa itaas na at nakaayos na sa guest room." sabi nito at hinalikan ang ulo ko.
"I'll leave now, Buencamino. Take care of my sister" he gave a dark threat eyes on Azel. Tumango lang naman si Azel dito at hindi na kami pinansin pa. Hehe.
"Ingat, kuya! Huwag ninyong kalimutang mag send saakin ng pictures ng kung ano man ang pupuntahan ninyo parang updates gan'on!!" Jolly kong sabi at hinila na siya palabas nang mansyon ni Azel.
Para pa ngang ako ang may ari nang bahay sa pinaggagagawa ko e. Hindi naman ako nahihiya. Wala talaga akong hiya.
Ilang minuto lang ay agad nang umalis si Kuya. Ngayon na nga sila aalis ni Mamà na nasa Airport na.
Napahinga akong malalim bago pumasok sa loob. Pag bukas ko pa nang pinto ay agad na sumalubong si Azel na ngayon ay nakatingin na agad sa direksyon ko.
Napa-wave ako nang kamay, "Good morning Azel! Kumain kana ba?" Tanong ko at tumabi sakaniya sa couch. Hindi naman siya kumontra sa pagtabi ko sakaniya. Tumango siya at nag scroll scroll pa sa phone niya.
"Ikaw pala ang sinabihang mag bantay saakin ano? Paano ka kaya napapayag ni Mamà?" Tanong ko pa na para 'bang hindi obvious.
Sumagot lang siya nang "Morning, Ms. Guevara. Yes, dito ka muna titira sa bahay ko"
"Umm, paano ka napapayag ni Mamà?" Sabi ko at nakatingin sakaniya. Ang gwapo niya talaga sa malapitan kainis!
Napatingin siya saakin kaya napasinghap ako at napaurong. "Not on your business" maliit na sabi nito.
Kakainis naman, kala ko pa naman mahaba na ang sasabihin niya. Edi okay.
Tumayo ako at akmang ilalakad na ang mga paa ko nang mag tanong ito. "Where are you going?" Tanong nito na nakatingin na saakin ulit.
Wow, mukhang ganap na ganap ito sa pagbabantay saakin ah!
"Guest room. That will be my room, right?" Sabi ko at napakamot sa ulo nang may maalala. "Yeah right, hindi ko nga pala alam ang daan... ikaw naman kasi puro ka cellphone d'yan e" sabi ko.
Napatango tango ito at agad na nauna saaking paglalakad. Hindi pala gentleman ito, pero sabi sa article gentleman liked ang mga Buencamino ah. Mukhang na scam ako at wrong site ang nabasahan!
Tumigil kami sa isang saktong laking pinto na katabi nang malaking pinto. "This will be the room you will stay in" sabi nito at umalis na agad agad. Pumasok ito sa malaking silid.
BINABASA MO ANG
CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)
RomanceStone Azel Buencamino (Buencamino Cousins Series 2) The Dronova-Buencamino Royal Blood.