chapter 28

74 9 1
                                    

The day...

Marahil marami na akong masasakit na napagdaan at isa na rito itong mangyayari ngayon...

Positibo. Paano mo ba masasabing sapat na ang lahat? Hindi ko alam e. Pero siguro pag nakaranas kana nang fulfillment sa buhay mo. Yung maiisip mo na masaya ka na at nasa kamay mo na ang matagal mo nang hinahangad sa buhay mo. Yung buo kayo ng pamilya mo at masaya...

Negatibo. Paano nga ba masasabing sapat na ang lahat nang nangyayari? Pag nakita mo nang yung gumawa nang masama sa 'yo ay naghihirap? Pag nakita mo nang nagdurusa 'yong tao na iyon? Pag nakapaghiganti kana? O pag naalis mo na sa buhay mo 'yong taong 'yon.

Ilang araw na ang sumapit bago ang hinihintay kong paghaharap naming dalawa. Ilang araw naring gabi gabi kong napapanaginipan kung ano nga ba ang nangyayari ngayon sa anak ko? Gabi gabi kong iniisip kung sana maipanalo ang kaso.

Anak, malapit na ang hustisya... Makakamit na natin...

"Ivel, nandito na ang gustong kumausap saiyo..." Tila nagising ako sa reyalidad nang magsalita si Azel.

Napatingin ako rito nang makitang nakatayo ito ngayon sa harapan ko habang ako nama'y nakaupo sa sofa.

Mailap na inilayo ko ang tingin upang pumikit muna at huminga nang malalim.

"Ayos kana ba? Sure ka bang kaya mo na talaga? Puwede namang umuwi na muna tayo.." Isang nag aalalang ngiti ang nakita ko nang mag-angat ako nang tingin kay Azel.

Bumukas ang bibig ko upang maghanap nang isasagot. "Ah oo naman, sure na sure..." ngumiti ako kahit pa nga nanginginig ang mga labi kong gawin iyon. Hindi ko alam pero nanginginig ata ang lahat nang buong kalamnan ko.

"Mano po"

Nawala na naman pala ako sa sarili nang ilang minuto. Nakita ko nalang na may isang matandang babae ang kaharap ngayon ni Azel at ngayo'y mag mamano siya.

Mabilis na inilahad ni Mamà ang kaniyang kamay at siya namang nag mano si Azel.

Napatayo ako at mabilis na lumapit kay Mamà. Siya namang layo ni Azel nang hapitin ko si Mamà payakap saakin.

"Ma..." nanunubig ang mga mata ko habang yakap yakap ang Mamà. Napaurong pa ito nang napalakas na puwersa pala ang paghapit ko.

"Ma... H-Hindi ko a-ata kaya, Mà.." Pumiyok ako nang sinubukan kong magsumbong. Nauwi sa iyak ang dapat ko pang sabihin.

Nabawi rin naman agad ni Mamà ang pagkagulat at mabilis na napayakap saakin. Mahigpit. Sadyang mahigpit ang yakap ni Mamà. Parang ilang araw kaming hindi nagkita... pero ilang taon kaming hindi nagkayakap... simula noong isinilang ako...

Gulat man si Mamà nakabawi parin siya nang yakap saakin. "I-Iveri..." nanginig ang boses ni Mamà habang yakap yakap ako.

Tila napupuos na kandilang nanghina ako sa yakap ni Mamà.

Nam-miss ko ang anak ko...

"Mà, a-ang anak ko..." nanginginig ang boses ko. Hindi ko kayang ipagpatuloy pa ang sasabihin. Mas lalo akong nanghihinang magsumbong.

Nakaririnig ako nang mahinang hagulgol sa likuran ko. At ayokong harapin dahil... dahil mas lalo lang akong masasaktan.

"A-Ang anak ko, Mamà!.." pilitin ko mang itaas pa ang boses ko ay hindi ko na kaya. Nauuwi lang sa piyok ang lahat.

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon