chapter 25

83 10 0
                                    

"Miss Guevara, it's time to take your medicines" narinig kong baritonong boses na iyon kaya napatayo ako upang salubongin ang doctor na iyon.

"Doc! Good morning, Doc!" Nakangiti kong saad agad habang nakatingin kay Doc. Xavier.

"Hi, Good morning too, Ms. Guevara. You look  radiant today, you got the news already?" Sabi nito at lumapit saakin na may dalang pagkain.

Tumango tango naman ako at tinulungan siya sa pagdadala. "Opo! I'm so excited po! Gusto ko na pong makita ang anak ko!" Excited kong ani.

Napangiti naman siya sa narinig saakin at hinayaan akong dalhin ang pagkain sa mesa ko upang lantakan na iyon.

"Mabuti naman kung ganoon, Uuwi ako nang maaga ah maiiwan ka dito kasama ang ibang nurses and doctors. Malapit na kasi mag labor ang asawa ko kaya kailangan ko na siyang bantayan" mahabang lintaya nito.

"Opo, Doc. Okay lang po ako rito. Basta po huwag niyong kalimutan na mag N-Ninang ako ah!" Nakangiti kong saad at pinagpatuloy ang pag kain ko sa binigay na pagkaing alam kong may kasama nang gamot.

Umalis na si Doc matapos kong makain at uminom nang tubig. Sobrang saya ko habang inaayos ang aking higaan.

Maayos na kasi ang lagay ko. Hindi na ako baliw. Hinding hindi na ako ulit magiging baliw.

Siguro tama na yung dalawang taon para mag dusa ako. Miss na miss ko na ang anak ko. Miss na miss ko na ang ama nang anak ko. Silang dalawa ang taong sobrang gusto ko nang hagkan ulit.

"Haysst, ang tagal naman nina Kuya..." bulong ko at naupo muna habang nakatingin sa kalsada na maraming dumadaang sasakyan.

May itim na kotseng pumarada sa harapan nang mental hospital na pinasukan ko kaya nagulat ako roon. Napakagandang kotse kasi non para lang pumarada sa ganitong klaseng lugar.

Nang bumukas at bumaba ang taong naroon ay napatayo ako at napalawak ang ngiti nang makilalang si Kuya Zid iyon dala dala si Baby Aeda Izumi Buencamino.

Agaran kong kinuha ang isang malaking maleta ko at hinila iyon palabas nang aking kwarto.

"Wow , Ate Ivel! Aalis kana! Sa susunod ako rin!" Sigaw nang isang lola habang nakasilip sa labas nang kaniyang kwarto.

Napatingin ako rito at nginitian siya. "Hihintayin kita, Lola Selly" magalang na saad ko rito bago ko lakarin ang pasilyo na puno nang pumapalakpak na nurses and doctors.

"Congratulations, Ma'am!!" Sigaw nang mga ito. Puro pasasalamat ang ginawa kong reply sakanila. Sobrang pasasalamat ko dahil kung wala sila siguradong wala rin ako ngayon at sirang sira parin ang buhay.

"Good luck sa new life ninyo, Miss Guevara!!" sigaw nang isa na tinanguan ko nalang at nginitian.

"Alaagaan mo nang mabuti ang katawan at anak niyo ma'am!" Tinanguan ko rin ito.

"Congratulations!! Makakasama niyo na nang matagal ang anak na ipinagkait sainyo.." bulong iyon pero hindi nakatakas sa tainga ko kung sino ang nag sabi.

Naluluhang nilingon ko ang isang nurse na sobrang napalapit na saakin at ang kwento nang buhay namin ay nai-kwento na sa isa't isa.

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon