"Hindi mo ba naiintindihan yung mukha niya? Mukha kaya siyang nagseselos." Sabi ni Den na nasa couch ngayon at nakahiga na roon. Sabi ko kasi sa kwarto ko na siya patulugin. Yun nga lang, sa couch siya... hihi
"Galit lang ata siya saakin" sabi ko habang nakahiga na sa kama at nakakumot.
"Lalaki rin ako at alam ko kung paano kami magselos, Ate" sabi niya at gumagalaw pa ang kamay.
"He's insane" Inis na bulong ko sa loob nang kwarto.
"So, what our next plan? Looks like he's not affected at all" nagtatanong na ako kay Den na hawak hawak ang cellphone niya at may kinakausap ata.
"Ate, um let's hang out tapos sadyain natin na gabi na umuwi rito. Okay lang ba saiyo?" Sabi niya at binitawan na ang phone.
Napakunot ang nuo ko pero tumango naman, "Saan naman tayo pupunta?" Napakamot ako sa kilay na parang nagiisip. "What if stay muna ako sainyo tapos uwi rin tayo ng Six? Miss ko na rin naman sila tita e" sabi ko pa habang nakahalumbaba sa kamay na nakatukod sa aking tuhod.
"Okay lang, basta hindi lang ako ma-patay ng crush mo." Sabi niya at tinaasan pa ako nang kilay. Nakadekwatro. Akala mo talaga pogi e, mas pogi pa ata ako sakaniya pag naging lalaki e. Napairap tuloy ako sakaniya.
"Kung nakakamatay nga lang siguro ang tingin, ngayon palang pinagkakapehan ninyo na 'ko." Sabi niya at napakunot nuo pa.
"Para kang tànga, oo na oo na" sabi ko at umayos na ng higa. "Good night, magpahinga kana" sabi ko at pinilit na makatulog kahit pa nga bumabagabag ang kaninang nangyari saaking isipan.
"SURE NA, ito na yung gagawing plano ah" sabi ko at kumapit sa nakalahad niyang braso.
Tumango ito at ngumiti. "Siguradong miss kana ni Mama!" Malakas ang boses nito at mukhang may pinariringgan. Nakuha ko naman agad ang pahiwatig niya at napailing iling pa.
"I would like to meet her... again!" I loudly squeaked. Napangisi naman si Den at tumingin na sa hagdan. Nakasalubong namin si Azel na paakyat na.
"You should take your breakfast." His baritone voice held authority and... I don't care.
Napatigil kami at napatingin sakaniya. "We need to leave na e, we're going to meet his mom and-" he didn't finish me right away.
"I don't care" his voice was deep and cold. It was full of sarcasm and... emotions I couldn't tell. Is he annoyed? He doesn't look jealous?
Napatango nalang ako nang hindi ito saakin nakatingin kundi ka'y Den na nakatingin rin ka'y Azel. Naglalaban ata sila ng tingin.
"Sali ako parang ang tagal ninyo diyan ah, sali patagalang nakamulat!" Nakangiti at excited 'kong turan.
"Pft-" muntikan nang matawa si Den sa sinabi ko. Binatukan ko naman ito kaya napasimangot siya.
Napatingin tuloy ako sakaniya. "Edi huwag, Azel! Bye!" Iyon lang ang sinabi ko at hinila na si Den paalis sa bahay. Ramdam ko naman ang pag palibot ng braso ni Den sa baywang ko.
Hindi ito nakatingin saakin kundi nakatingin kay Azel at nakangisi. Haysst, parang tanga.
"PARA 'KANG tànga kanina" sabi nang katabi ko at napapatawa nang malakas. Napuno ata nang tawa niya ang kotse niya e.
Nakakunot naman ang nuo na tumingin ako sakaniya. "EH BAKIT NAMAN?!" tinaasan ko pa ito nang kilay na para 'bang kaya 'kong makipag suntukan sa lalaking ito.
"Hindi naman kami nag papatagalan nang mulat e! Acting iyon, ang sama ng tingin saakin edi ganoon rin ang ginawa ko! Mutual understanding!" Sabi niya habang nakatingin sa kalsada. Tatawa tawa pa.

BINABASA MO ANG
CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)
Storie d'amoreStone Azel Buencamino (Buencamino Cousins Series 2) The Dronova-Buencamino Royal Blood.