chapter 15

85 9 0
                                    

SOBRANG aga kong nagising kinabukasan. Gusto ko sanang layuan si Azel kanina kaso paglabas ko sa banyo ay nakaupo na sa kama si Azel na nakapikit at nakasandal sa headboard nang kama. Natulos ako nang nag mulat na ito.

Yung pilik mata niya sobrang ganda. I'm so inlove!! Mamaya nga baka maisip ko na may favoritism si papa god e. Joke lang.

"A--Anong ginagawa mo rito?" Nauutal pa ako. Napahawak ako nang mahigpit sa door knob dahil sa nag uumapaw na kaba sa aking puso.

"I just can't forget what we did yesterday?" sabi nito. Malamlam ang mga matang nakatingin saakin ngayon.

Siguradong namumula na ngayon ang aking pisngi. "Ah... ah ano kasi!!! basta huwag mo na iyong intindihin!! Parang ano, "Forget about it nalang" Napapautal utal pa ako habang nakatingin sa lalaki.

Napaangat ang aking isang kilay nang may maalala. "Ikaw lalaki ka! Bakit ka nga pala narito sa kuwarto ko?! Hindi naman kita pinapasok ah!" Pasigaw kong saad.

Ano ba kasing ginagawa niya rito? Nilalayuan ko na nga dahil sa sobrang hiya ko e tapos lalapit lapit pa! Nakakainis tuloy!

"You start this, Peanut, and I just do the rest? By the way, I'm the house owner." Patanong na sagot nito saakin. Habang nakatingin parin saakin na para bang bored siya.

Doon naman ako naguluhan, anong ako ang nag umpisa??

Purkit gusto ko siya, ABA ABA!! sinasamantala niya na ata iyon!!! Aba itong lalaking ito!! Kakaiba rin

"Hoy!! I didn't do anything!" Sabi ko rito na naka-pamaywang pa.

"Joke lang" sa pag kakaupo ay tumayo siya at unti unting lumapit saakin.

"Yamero!!" Pag papatigil ko rito at umaatras pa ako. Naka-towel pa ako at hindi pa nakakadamit dahil kakaligo ko palang.

Napangisi ito at patuloy lang sa pag abante palapit saakin. Nangilabot naman ako sa klase nang ngising ibinigay niya.

"Baka janai no?" Tanong ko dahil siguradong hindi niya naman ako naiintindihan.

Pero mas lalo lang itong napangiti, "Maka-japanese ka saakin, purkit hindi ako marunong ah!" Sabi nito at humakbang pa ulit. Siya namang atras ko rito.

Napangisi rin ako pero nawala iyon nang mag salita iyon nang lenggwahe niya. "Ya lyublyu tebya, moy arakhis" nakangising sabi nito saakin na nagpa kunot saakin nuo.

Aba puta, minumura rin ata ako nito ah!! Tinaasan ko siya nang isang kilay at pinakitaan ng bad finger. Bago nag mamadaling pumasok ulit sa banyo dahil mukhang hahabulin ako nito.

"Monggoloid ka talaga kahit kailan!! Hindi ako lalabas rito! Aba't minumura mo ata ako ah!!" Sigaw ko sa loob nang banyo nang ma-lock ko na ang pintuan.

Siguradong Inis na ito ngayon.

"Ikaw talagang babae ka!! Lumabas ka na diyan, promise hindi kita hahabulin at gagantihan!" Sigaw rin ni Azel sa likod nang pinto.

Nakarinig ako nang papalayong yabag. Senyas na umuurong na si Azel palayo sa pinto nang banyo.

Napangiti ako sa kaniyang ginawa. Mukhang hindi pikunin ang Baby ko.

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon