chapter 22

62 9 0
                                    

Kinakabahan.

That's what I'm feeling right now.

Pinapasok kami sa Mansion nang mga Buencamino ng mga maids.

Malaki pala talaga ang mansion nila. Parang noong ini-stalk ko palang si Azel ay akala kong maliit lang ito pero sa nakikita ko ngayon ay nag iba ang aking pananaw.

Inililibot ko ang aking mga mata sa loob nang mga gintong marmol. Hindi rin nakaligtas saakin ang mga muebles na mga paso. Pati na ang litrato sa malaking frame kung saan naroon ang isang pamilya.

Madam Adelle. Sir Javier. Axel and Azel.

Mga bata pa ang dalawang lalaki.

Pero nasa isang lalaki lang talaga ako naka tingin. Nasa isang batang nakangiti sa camera. Hanggang tainga ang ngiti nito at namumula pa ang mga pisngi. Nanliliit ang mga mata dahil sa pagbanat nang mga pisngi niya upang ngumiti.

Unang tinginan. Alam ko nang si Azel iyon.

Hindi katulad ni Axel na palaging nakasimangot si Azel naman ay puros ngiti ang ginagawa madalas.

"Peanut, ayos ka lang ba? Sure ka bang gusto mo talagang ipagpatuloy ito? Pu-puwede namang sa susunod nalang" napatingin ako kay Azel nang marinig ang mahinang bulong nito saakin at mahina ring pinipisil ang kamay ko na hawak niya.

I smiled at him, reassuring him. "Huwag kang mag-alala, Azel. Susubukan kong maging matino kahit hindi ako sure roon" alanganin pa akong tumawa. Na akala mo hindi talaga kinakabahan.

"Azel, sinong kasama mo?"

Boses nang isang ginang.

No, this Madam is not just a normal Madam.

She has a very elegant aura. A radiant and dark figure.

Madam Adelle.

Ang nanay ni Azel.

Humigpit ang hawak ni Azel sa kamay ko, hindi naman masakit dahil sakto lang ang hawak niya. "Mom, she's Ivel Viviette Guevara. Gusto kong makilala niyo siya ni Dad, Mom." Sabi nito.

"Are you sure with that, Ms. Guevara?"

Malalim na boses.

Boses nang Dad ni Azel na ngayo'y papalapit na saaming tatlo.

Kahit pala malalim ang boses nang pananalita nito ay may maliit na ngiti ito sa kaniyang labi.

Napangiti naman ako rito at itinago nalang ang kaba. Wow, sa tanang buhay ko ngayon nalang uli ako nakaramdam nang kaba.

"Siguradong sigurado po ako, Sir Javier" magalang kong sabi. "At tsaka po, ano ho ba naman kayo! parang sinasabi niyo pong mag layo layo ako sa lintik na anak ninyo po" sabi ko at parang binibini na natawa pero kunwari lang talaga iyon. Kahit pa sa kaloob looban ko ay gusto ko nang ilabas ang devilish laugh ko.

Nagkatinginan kami ni Azel dahil sobrang nakakapagduda ang tawa ko. Makahulugang tumingin si Azel saakin.

Napangiti ako at napangiti rin siya. "Pfft!"

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon