chapter 8

81 7 0
                                    

Ilang araw na nga ang lumipas bago mag pansinan kami nang ayos ni Azel mula noong nagkausap kami. Minsan hindi rin siya umuuwi dahil nagt-trabaho siya kaya umaalis ako para makita sila Louise. I really miss them pati si Dria and Kuya Isma.

Pero pag nasa bahay naman ako ay lagi lang akong nakakulong sa kwarto minsan nga ay naglilinis ako at nag e-exercise sa gym area. Malawak talaga ang mansyon na ito at sa susunod gusto 'kong magala ang kabuuan nito.

Umalis ako nang mansiyon dahil wala si Azel. Sabi niya nga ay sa susunod dadalhin niya nalang ang mga paperworks niya para dito sa bahay mag trabaho.

"Oh babaita, buti naman nakaisip ka na makita kami!!" Tinaasan ako nang kilay ni Cadiah at napabuntong hininga pa

"Mukhang nawiwili ka dyan sa nagbabantay sa'yo ah!! Pinagpalit mo na ata kami!!" Sabi pa niya.

Napailing iling nalang si Louise at inakbayan ako. "So, kamusta ka naman? Maayos lang ba ang pakikitungo nung nagbabantay saiyo?" Kalmadong tanong ni Louise saakin.

May pagkamatangkad rin si Louise kaya nakatingala ako sakaniya. "Masayang masayang masaya!! Kung pwede lang habang buhay na 'to e!" Sabi ko pa at umalis sa akbay niya at tinakpan ang mukha ko para tumili sa palad ko.

Tila naguguluhan naman ang dalawa sa pinagsasabi ko, "Lah si ate gurl! Para kang shunga! Sino ba 'yang pinabantay sa'yo?! Kala ko ba may asawa ka nang si Mr. Buencamino at kinikilig ka ata riyan?!" Sabi ni Cadiah "Naisip mo na 'bang hindi ka bagay kay Azel?! Wow!!" Dagdag 'pang hirit nito.

Tinarayan ko siya at hinampas sa braso, "Ang tanga mo! Si Azel nga kasi yung pinabantay saakin!!" Tinakpan ko ulit ang bibig ko nang mapatingin ang mga tao sa sweet cafè saakin.

Nagulat ang dalawa at walang habas na nagtitili naman si Cadiah. "Yahhhh!!!! Tell me masharap ba?!!" Sabi nito na nakangiti pa.

Napaungos si Louise at napangiwi naman ako. Kinaltukan pa nito si Cadiah. "Aray!! Nagtatanong lang e!" Sigaw nito.

"Gaga ka talaga! Papakitaan ko palang nang the moves ko, ganyan na iniisip mo!" Sabi ko at napapalo pa sa dibdib ko na akala mo ay barumbado sa tabing kalsada at hindi isang artista.

I don't given a single fuck, wala silang mai-issue dahil kaibigan ko lang ang kasama ko ngayon pero tuso talaga ang media kung ano ano pang pinagsasabi matapos ang kitaan naming tatlo.

Lumabas na sila at nagpahuli ako. Kakalabas ko pa lang ay may mga bodyguard na agad na sumalubong saakin. Kasabay nang pag dagsa nang maraming tao o fans ko ata. Kinukuhanan ako nang pictures.

Bahala sila, sa dami ko ba namang bodyguards na ipinabantay muna ni Azel ay walang wala sila. Bahala na tatakbo nalang ako at tatakpan ang mukha. Nakakasilaw rin naman talaga ang mga ilaw nang pag snap nila e. Mamaya pangit pa ako sa angle at nakahawi ang bangs e! Nako, malilintikan talaga gagawa nun!! Gugupitan ko siya ng bangs na sobrang ikli!!

Natatawa nalang ako sa pinagiisip ko. Nang makapasok sa Van ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Haysst, sana naroon si Azel paguwi ko!

"Kuya Isma, paki diretso sa lugar ni Stone Azel Buencamino" mahinahong utos ko kay kuya. "You know that, right?" Tanong ko pa habang hinahalungkat ang bag.

"Yes, ma'am. Alam na alam!" Sabi ni Kuya na energetic ata ngayon. Napansin ko rin na kanina pa hindi nag sasalita si Shera habang nakatingin kay Kuya Isma.

"Baka naman tumulo ang laway mo sa kakatitig kay Kuya Isma, Dria!" Sabi ko at nakuha ang kanina pang hinahanap na suklay. Inayos ko ang bangs ko.

Halatang natauhan si Dria sa sinabi ko at tumingin saakin na may alanganing ngiti sa labi.

"Ate naman!" She said and scratch her nape.

NAKABABA NA ako sa van at pinaalis na sila Kuya isma at Shera. Nakakainis ayoko nanamang kiligin sa kanila eh wala ngang kakilig kilig sa chemistry namin ngayon ni Azel e!! Charis

Pagkapasok ko palang ay saktong bumaba na si Azel. Hindi ito nakapangalis pero halatang halata na kakaligo lang nito. Haysst, pogi ng asawa ko. Hihi nakakainis, mag propose na kaya ako. Hehe joke.

"Good morning, Azel! Aalis ka ba?" Tanong ko at inilagay sa shoe rack ang stilleto na suot suot.

Napadako ang tingin nito saakin, napatingin pa sa kabuuan ko kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. "No, I'll be here." Sabi nito at pumunta sa kusina para uminom nang tubig na galing sa ref niya.

Wow, kahit ano ata ang gawin niya ay pogi parin siya. Nakakainis naman!!

Aalis na sana ako para umakyat nang mag salita ito, "Saan ka pumunta?" Tanong nito at papalapit na saakin. Napalunok naman ako bago sumagot.

"Umm, sa sweet cafè" sagot ko. Napatango tango siya at mukhang naging hesitant ang mukha. Bakit naman mukhang may tanong pa siya?

"Bakit? May tanong ka pa ba?" napakamot siya sa batok nang tanungin ko ito.

"W-Wala naman na" sabi pa nito at akmang tatalikuran na ako nang lumapit ako at hinawakan siya sa pulso.

"You sound hesitant, bakit anong tanong mo?" Sabi ko at pinaharap siya.

Nakita ko pa ang gulat na mukha niya bago siya nakabawi. Kinikilig ba siya?!! Bakit siya nag b-blush?!! "A-Ano kasi, sinong kasama mo sa cafè?" Tanong niya at napalayo nang tingin saakin.

"Yieeeee, e paano kung lalaki ang kasama mo at kapwa artista pa?!!" Tanong ko at inaasar siya.

Mukha namang natigilan siya kaya napapikit siya. "I don't care, Ms. Peanut. Pinapabantay ka saakin malamang ay kailangan 'kong malaman kung sino ang mga nakakasama mo." Mahabang paliwanag niya at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Nakakainis naman, nananakit ah. Tumalikod na siya para iwan ako, rinig ko ang pag sara at bukas nang pintoan niya.

Haysst, hindi pala siya nag seselos akala ko naman nagseselos na siya.

Pero ano naman?! I'm not Ivel without my strong personality!! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang loob niya.

"Nako nako, Azel. Wrong move ka" I smirk like an evil and start my way on my room. Ipapakita ko kung gaano kakulit at katuso ang ugali ko. I will do my best..... I will seduce you.

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon