"Do you want to hangout, Azel? Labas labas naman tayo..." sabi ko at hinawakan siya sa braso. Wala naman kaming magawa sa bahay ngayon e "...Para naman akong mìstress na tinatago rito sa mansiyon mo e!" Pangungulit ko pa.
Napatigil siya sa pag v-vacuum ng sahig at napatitig saakin. Madilim ang tingin nito saakin na para 'bang may sinabi akong hindi niya naman nagustuhan.
I scoffed at his reaction. "Oh wait, don't tell me kàbit ako rito! Sayang naman ang kagandahan ko!" Sigaw ko na nag echo naman sa buong living room. Pabiro pa akong napabitaw sakaniya at napatakip ng bibig ko
Napakunot siya at pinatay na ang vacuum. "No, you don't look like a mìstress" sabi niya at itinaas na ang vacuum para buhatin patungong bodega.
Nag akyatan ang mga dugo ko sa mukha kasabay nang pagiinit ng buong mukha ko. "Wala wala, mas magaling parin ako mag pakilig!!" Sabi ko at sinundan siya. Siguro naman, pinapakilig niya lang ako, Hehe.
Napaubo ubo tuloy ako ng nasa hagdan na, napatigil naman si Azel sa paglakad at tumingin saakin. "Just wait up there" sabi niya at bumaba na.
Napanguso ako at walang nagawa kundi ang tumaas at umupo nalang sa sofa nang living room.
Nakarinig ako nang yabag, "Hindi naman kita pinapakilig, Ivel. Um may naisip akong idea." malagom ang boses ni Azel.
Tinignan ko ito nang tumabi ito unting layo saakin. "Hm? Ano ba 'yon?" Tanong ko at napakamot sa kilay ko.
Napatiim ang bibig niya at nag salita. "Pag napakilig mo ako talagang lalabas tayo rito." Sabi niya at naka-dekwatro pa.
Awtomatikong napangisi ako rito, "Parang ano naman e! Ang dali dali lang niyan e!!" Sabi ko na nagmamaangas pa.
"You good?" Tumango ako sa tanong niya "then, let's see" dugtong pa nito.
"Ha! Kala mo ah! Oh eto oh" sabi ko na nagmamayabang "Ang pagmamahal ay parang coke, minsan zero, minsan sakto pero pag ako nag mahal walang kasalo, ikaw lng mismo!!" Malakas ang boses ko rito.
Napakagat siya sa ibabang labi at napatango tango. "Noodles ka ba?!" Tanong ko rito at nginitian siya nang pagkatamis-tamis.
Napakunot naman ang nuo nito, "Why?" Bakit lang iyan sa tagalog e!
"Kasi lucky me~" pakanta kong sabi at humawak pa sa dibdib.
Napahinga siyang malalim at inilayo ang tingin. Naiinis na ba siya saakin? Nagagalit ba siya?
"Hoi!! Para ka namang hindi nag Grade 2!!" Hinampas ko ito sa braso, agad siyang napatingin saakin nang nanlalaki ang mga mata. "Bakit hindi ka kinikilig?!! Oh isa pa ah, isa pa!!" Sabi ko at nagisip pa. Iyon!!
"Oh Crush, pimple ka ba?" Tanong ko rito. Ang kaninang nanlalaking mata nito ay napalitan nang pagtataka.
"I'm not a pimple, why?" Tanong nito pabalik saakin.
Napangiti ako at nag finger heart, "Kasi kapag pinipilit kitang tanggalin, nasasaktan ako e" sabi ko at nagkunwaring nasasaktan.
"Pft-" muntikan na siyang matawa kaya tinakpan niya ang bibig niya.
"Oh oh!! Maduga! Tinakpan mo!" Pag hindi ko sangayon sa pagtakip niya.
"I told you, pag napakilig mo 'ko not mapatawa" sabi nito at inirapan ako.
"Aba aba!! Nangiirap na ah!!" Sabi ko at papaluin pa sana siya sa braso pero nasalag niya iyon.
"Malakas kana?! Malakas kana?! Sige nga try mo nga ako!! Try mo nga akong.." nginitian ko ito "...mahalin, yieeeeeee!!" Napatawa ako kasabay nang pagtawa niya.
BINABASA MO ANG
CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)
RomanceStone Azel Buencamino (Buencamino Cousins Series 2) The Dronova-Buencamino Royal Blood.