Natatawa nalang ako habang pinapanood ang nasa Television ngayon. Nanonood kami ni Azel nang Movie dahil... dahil sinuggest ko. Pwede naman yun e.
Natatawa talaga ako kaya napapapalo pa ako sa braso niya habang patawa tawa. Nakakainis imbis na matakot dahil horror ito ay natatawa ako.
Nadapa ka na nga titingin kapa sa likuran mo bago tumayo at tatakbo na ulit e. "HAHAHAHAHAHAHAHA lintik. Sana ganito nalang rin pala yung mga movie na gawin ko noh! Ang galing pala pag ganito.." Pasigaw sigaw pa ako at natatawa talaga sa ginagawa ng movie. Maluha luha na ako habang sinasambit iyon.
Napatingin naman ako kay Azel na kanina pa tahimik. Natigilan ako sa pagtawa nang makitang nakatingin ito saakin. "H-Hindi ka natatawa? hehe" napahinga ako nang malalim.
Napangisi pa siya, "It's horror but you laughed like it meant to be comedy" napailing iling pa siya at inakbayan ako.
Naghumarentado ang puso ko at lumundag pa nga ata sa saya at k-kilig na aking nararamdaman ngayon. Argh nangaakbay nalang bigla.
"Azel, nakakatawa naman diba? Hindi ka ba natatawa riyan?" Tanong ko at tinignan ang gwapong mukha nito na ngayon ay nakatingin na sa flatscreen TV niya.
Tumingin ito saakin, "Nah, it's not scary and not even funny" sabi nito na akala mo ay parang nanonood siya nang walang patutunghang palabas. "... But I enjoying this" sabi nito at tumagal ang titig saakin.
Nag-init ang pisngi ko sakaniyang pinagsasabi. Hindi ko man naintindihan ang ibigsabihin ay hindi ko rin alam kung bakit namumula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Um, wait me here. I'll just gonna cook something for us" sabi niya at inialis ang pagkakaakbay saakin.
I hold his wrist to stop him, "Let's just continue this and you know I know that you're kind of sleepy kaya tapusin nalang natin 'tong palabas, hm?" Ngumiti ako nang maliit habang nakatingala sakaniya.
Napakagat siya sa labi at napatango nalang. "Okay, let's finish this" sabi niya at umupo nalang uli sa tabi ko.
Ilang minuto bago natapos ang movie, "HAHAHAHAHAHAHAHAH ano ba 'yan, sa susunod talaga horror naman tatanggapin kong project" Natatawang sabi ko pa.
Napatingin ako kay Azel, only to find out na natutulog na ito at nakatingala pa na nakapikit na. Malalim na ang pag hinga nito, mukhang tulog na tulog na nga at hindi na kinayang magtiis na matapos ang palabas.
Napatigil ako sa pag tawa at dahan dahang tumayo. Hinawakan ko nang maayos ang ulo at leeg ni Azel at iniangat at baba pa-straight sa higaan.
Inayos ko rin ang paa nito at tumaas para makakuha nang kumot niya. Pinihit ko ang pabukas nang kwarto niya. Pangalawang beses ko nang napasok ang kwarto niya kaya alam na alam ko na ang pasikot sikot sa malaking kwarto nito. Kumuha ako nang kumot at bumaba na ulit nang masara ang pintuan ng kwarto niya.
Dahan dahan ang pagkumot ko sakaniya at lumayo nang unti.
Sa unang pagkakataon. Umunat ako pababa at hinalikan ang nuo niya. "Good night, Azel, sweet dreams for you" sabi ko pa.
At ako nga ay hindi naka get over ay hinalikan na uli siya sa noo. "Hehe last na 'yan, sa susunod cheeks mo naman at ang iyon delicate lips" sabi ko at tumalikod na papunta sa kwarto ko.
"Good night, self" sabi ko bago ko i-off ang ilaw at magtalukbong nang kumot buong katawa.
MORNING. "Good morning, Azel, I cooked something for us!" Excited kong saad kahit pa nga ay kinakabahan ako dahil hindi talaga ako marunong mag luto. Tinikman ko naman iyon at masasabi kong okay okay narin ako magluto.
Nakababa na siya at nagtatakang nakatingin saakin. "Good morning.." he said and sat down at the opposite table. "... What came into your mind and made you cooked?" Tanong nito at napahalumbaba habang nakatingin saakin.
"Um, Kuya told me the recipe on cooking adobo and I want you to taste my first ever dish to cook!" sabi ko nang nakangiti sakaniya at binalingan na ang pagkuha ko nang mga plato. Gusto kong tignan niya ako na para ba akong wife material. Panis nanaman kayo niyan!! Dumadamoves nako e!!
Napatango-tango siya habang nakatingin saakin. "How come na marunong ka palang mag luto" tila hindi maalis ang bilib sa mga mata nito habang nilagay ko na ang mga plato at kutsarita sa harapan namin.
Umiling iling ako, "No ah, hindi ako marunong mag luto. Siguro nga pangit ng lasa niyan ngayon but atleast may love naman while cooking ko 'yan ginawa. Tell me if it's bad" sabi ko pa at nilagay na ang rice cooker at mangkok nang adobo sa harapan namin.
"Just watch me, isipin mo nalang na pinagsisilbihan kita at wife material ako dahil kinakabahan ako sa future natin" sabi ko pa na parang walang hiya sa harapan niya.
Pinagsandukan ko siya at naglagay narin nang ulam sa plato niya. "Tikman mo na!" Sabi ko pa habang nakatingin sakaniya na kanina pa nakatingin saakin.
"Okay, let's see if pwede nga as My wife material" sabi nito at in-emphasise pa ang "My"
Tumikim ito at nginuya ang malambot na karneng niluto ko. Tumingin ito saakin, napapalapit pa ako sakniya at pinagdidikit ang mga labi ko sa nerbiyos na nararamdaman.
"Masarap ba? Pwede na ba??" Nilalamig ata ang kamay ko at natutuyuan nang pawis dahil sa kaba.
Nag-iwas na ito nang tingin, "This is... so good, masarap..." sabi nito at sumubo pa. "... puwedeng ano, wife material" sabi nito at nag tungo nang tingin sa kinakain.
Para naman akong nakahinga nang malalim sa sinabi niya. "Sabi ko na nga ba e!" Bulong ko pa at nag sandok narin nang akin.
Nag simula 'kong tikman ang niluto. Tangina! Lintik!! Ang alat!! Napatingin ako kay Azel na sumusubo parin at hindi man lang nagagalaw ang tubig sa harapan niya. Mukhang sarap na sarap nga siya ah
"Hindi naman, Azel. Ang alat kaya... sorry nasayang ko ba ang mga ingredients rito sa kusina mo?" Kinuha ko ang atensyon niya sa aking pag sasalita.
Napatingin siya saakin at napangiti. "Nah, it's fine..." sabi nito at sumubo ulit tila hindi iniinda ang alat nang luto ko. "... tsaka magaling ako magluto saating dalawa, no need to worry" sabi nito na hindi ko naintindihan.
"Ha?" Tanong ko.
"Just eat there, you haven't eaten yet" sabi nito, napatango tango nalang ako at pilit na kinain ang maalat na adobong niluto ko.
"Siguro mali yung ingredients at hindi ako ang mali" bulong ko pa at napakamot sa ulo. Narinig ko ang maliit na pagtawa ni Azel. Narinig niya kaya yung sinabi ko? Hayst..
"Ikaw, Azel ah!! Tatawa tawa ka na saakin ah!! Happiness mo na ata ako rito!! Nako you're whipped, Azel!" Sabi ko pa na hampas lupa ang kinalabasan saaking pagkakarinig.
Nakakahiya ka talaga Ivel!! Narinig kong napalakas ang halakhak niya. "You're insane, Peanut." his baritone voice lingered on my mind. Parang nahihirapan siya roon.
"Matsala, alam ko namang I can do both" I smirked at him and wink.
Napatingin ako sa leeg niya nang mapalunok ito. And I have my progress.
Gumagana ata ang pang-aakit ko sakaniya, at ramdam na ramdam kong malapit na.... and this is super exciting.
BINABASA MO ANG
CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)
RomanceStone Azel Buencamino (Buencamino Cousins Series 2) The Dronova-Buencamino Royal Blood.