PROLOGUE
Sa buhay, may mga taong dumarating.
May mga nakapagpapasaya saatin, at meron din naman nakapagpapalungkot.
May mga nambbwisit, at meron ding nakaka buo ng ating mga araw.
Kung merong mga dumarating, may mga umaalis din.
Minsan sa parteng ito ng ating buhay, saka lang natin napagtatanto ang kahalagahan ng mga taong nangiwan sa atin, o kaya naman iniwan natin.
Dito natin nararamdaman ang sakit at pagsisisi kung bakit hindi natin sinulit ang mga panahong kasama natin sila.
Ang pag papaalam ay hindi rin naman lubusang masama.
Maaaring sa pag alis ng ibang tao ay makita natin kung sinu sino ang kasama natin sa lugar na kung saan tayo karapat dapat.
Kapag nakakilala tayo ng isang tao, hindi natin alam kung hanggang kailan sila mananatili sa ating buhay.
Gaano man kaikli o kahaba ang mga panahong nakasama natin sila, magiging isang malaking parte parin sila ng ating buhay at patuloy natin silang maaalala kahit ano pa man ang mangyari sa mga panahong wala na sila.
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomanceA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.