Second

572 13 3
                                        

AN: Dine-dedicate ko po ito kay TrishaLeiAbrero dahil siya ang unang reader ko. Omg tears of joy hahahahaha :""")

Unang araw ng pasukan.

Nandito nanaman ako.

Parang kailan lang kakalipat ko lang dito sa St. Alphonse University.

Pero ngayon, it has been a year.

"Hoy bawal PDA!!"

Pagsasabi ko dun sa mag shotang kung makadikit akala mo hindi na magkikita.

"Prez naman."

Yep. President ako ng Student Council. Last year ako na elect.

Agad naman silang lumayo ng konti sa isa't isa tapos tinigil na yung pag hholding hands nila.

Nag pout pa nga yung babae.

Haaayy. Minsan naiinis na din ako sa trabaho ko.

Para bang nakakaguilty yung pinagbabawalan ko yung mga tao sa gusto nila.

Ang KJ ko minsan. Minsan lang naman.

"O sige na nga. Hindi pa naman mag t-time."

Minsan pinapayagan ko naman sila.

"Basta wag lang kayong mag pahuli sa teachers ah. Tsk. Alam niyo naman yung mga yun. Masyadong conservative."

Sabi ko sakanila tapos bumalik na sila sa dating posisyon nila.

Private - Catholic School kasi ang SAU.

"Haha. Salamat prez. Libre ka nalang namin kung kelan."

Sabi nung lalaki sakin matapos hawakan ulit yung kamay nung babae.

Ngumiti lang ako at naglakad paalis tapos winave ko yung kamay ko na parang nagsasabing 'hindi na kelangan'

Sobrang dami ng tao sa lobby.

"Good morning Pres!"

Bati sakin ng isang second year na babae.

"Good morning din."

Sabi ko sakanya tapos nginitian ko siya.

"Freshmen, siya si Ate Yelle Yap. Student Council President."

Si Carla. Isang third year student. Member din siya ng student council. Siya ang over all in charge sa orientation ng mga freshmen kaya pinakilala niya ko sakanila.

"Hi po Ate Yelle!"

Sabay sabay namang sabi ng mga first year. Hahaha.

Nakakatuwa rin minsan ang trabaho ko. Gaya nito. Parang respetado ng buong high school body.

"Ayos ah. Sabay sabay pa. Haha. Hello din sainyo."

Sabi ko sakanila tapos nag babay na sila dahil kelangan pa silang i-tour ni Carla sa buong school.

Ako naman, pumasok na sa student council room.

"Oh Yelle. Sa wakas nandito ka na. Ba't parang na late ka yata sa usual na pag dating mo dito?"

Salubong agad sakin ni Naomi.

"Hay nako ewan. Sobrang nainis lang talaga ako sa nangyari kahapon kaya late na ko gumising."

Sabi ko habang tuloy pa rin sa paglakad sa loob ng council room.

"Ha? Anong konek?"

"Ah basta."

At nilagay ko na yung bag ko sa table ko.

May nakalagay din dung parang sa title 'Gabrielle Marie Yap - President'

First & Last [UPDATED]Where stories live. Discover now