AN: Sorry kung mejo natagalan ako bago makaupdate ng chapter na to. Tapos ang ikli pa. Buong araw ko kasi dinrawing yung picture dun ------> (na nakikita niyo na yeheeeeeeeeyyyy)
Naisipan ko lang na idrawing para maimagine niyo yung scene hehe. Ang crappy ng camera quality, di masyadong kita yung details. Mas maayos yan tingnan sa personal :3
"LANGGAM?!?!"
"Ha?"
Ewan ko kung bakit ko siya tinawag na langgam. Siguro dahil Anthony naman ang ikalawang pangalan niya. Ant. From Anthony. Gets? Hay nako naloloka na yata ako.
"Pati ba naman dito?!"
"What the hell are you saying?"
Sabi niya na may halong inis at lito sa tono niya.
Magkaharap kami ngayon sa sidewalk. Nakapamulsa lang siya. Nakasabit yung isang strap ng gray jansport bag niya sa kanang balikat niya. Nakakunot nanaman ang noo niya.
"Tse! Nagmamaang maangan ka pa jan. Ba't mo ba ko sinusundan? Wala ka bang magawa sa buhay mo?"
Nababadtrip nanaman ako dito sa lalaking to.
Napansin ko parang kumalma yung mukha niya.
"Sino naman nagsabi sayong sinusundan kita?"
Parang may hint ng ngiti sa mga labi niya.
"Eh bakit andito ka kung di mo ko sinusundan ha?"
Sus. Huli na magsisinungaling pa -__-
"I live here."
Casual niyang sabi habang tiningnan niya pataas yung isa sa pinaka magandang building na nakita ko sa buong buhay ko. Hindi naman siya kataasan, hanggang 5th floor lang, pero napakalawak.
"Huh."
Yun lang nasabi ko.
Hindi ko napansin nasa gitna pala kami ng entrance ng building. Pero hindi naman yung malapit na kami sa pinto, may entrance stairwell pa kasi bago makapasok sa dalawang glass na double swing doors. At dahil nga glass yung pintuan, kitang kita ko ang malawak na lobby pati na rin ang dalawang receptionist na nagdadaldalan.
Nasa harap kami ng BV Condominiums o mas kilala sa tawag na BVC. Naitayo na to bago pa man kami lumipat sa bahay na katabi nito.
Sa BVC tumitira ang ibang schoolmates ko. Binilhan siguro sila ng condo ng parents nila para malapit nalang sa SAU. Maglalakad nalang sila. Bukod sa location, maganda rin na tumira dito sa village. Mahigpit kasi ang security at magkakakilala halos lahat ng homeowners.
Masasabi ko na lahat ng bahay dito malalaki at magagara. Modesty aside, mga rich nakatira dito. Pero di ko naman pinagmamayabang na mayaman kami noh. Sus. Hindi naman ako ang naghirap kung ba't yumaman kami kaya wala akong karapatang ipag mayabang ang kahit na anong yaman ang meron ako.
Hindi kasing laki ng BVC ang mga pangkaraniwang condominium buildings. Sabi ni mommy tinayo talaga to para sa students lang pero nag adjust sila dahil merong may mga gustong bumili ng units dahil sa kakaibang disenyo nito.
Imbis na common windows, sliding doors at concrete lang ang bumubuo sa building, ginawa nilang all glass windows ang building. Ibig sabihin, kitang kita ng nasa labas ang nasa loob ng condo unit. Don't worry, may mga nakalaan namang mga higa-higanteng kurtina na madaling i-adjust kung gusto nila ng privacy. Ang cool noh? Nakikita mo kung anong ginagawa nila sa condo nila.
Minsan nga gusto ko rin pumasok sa mga unit na yan para makita ko ang magandang view sa likod ng glass walls. Hay.
"O bakit? Hindi ka nanaman maniniwala sakin?"
Sabi niya. Mula sa pagkakatingala sa building, tumingin ako sakanya.
"Manong guard!"
Tinawag niya yung secu na nakaabang sa entrance ng BVC.
"O bakit ho Sir Kean?"
Sagot nung secu.
"Diba dito ako nakatira?"
"Oho"
Sabi niya sabay tango. Tumingin sakin si panget.
"See?"
"Oo na! Wala naman akong sinabing hindi ako naniniwala sayo. May pa tanong tanong ka pa ki manong guard."
>_____>
"Pinapatunayan ko lang na HINDI kita sinusundan."
Inirapan ko lang siya tapos naglakad na papunta sa bahay namin na katabi lang ng BVC.
"At hinding hindi ako sumusunod sa kahit na sino. Hinding hindi yun mangyayari kung ikaw lang naman ang susundan ko."
Watda. Linya ko yun ah. Napahinto ako sa paglakad tapos lumingon ako sakanya at sinamaan ko siya ng tingin.
Tinaas niya lang yung dalawang kilay niya.
"Plagiarisim ka! Bahala ka sa buhay mo."
Nasa harap na ko ng gate namin at bubuksan ko na sana kaso.
"May gusto ka pala kay Nico."
o_o Ano daw?
"H-ha?"
Lumingon ako sakanya pero nakapatong parin yung kamay ko sa gate namin. Si panget naman nakaharap parin sakin
"May gusto ka kay Nico sabi ko!"
Linakasan niya pa yung boses niya! Ughh ano ba to baka may makarinig. Humarap na ko sakanya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala kong gusto dun noh."
"Sus. Kunwari pa. Nakita ko yung pangalan niya sa binder mo nung may pinunit kang page. May mga puso puso pa nga eh. Pft."
Sabi niya tapos mejo natawa pa.
Flashback
Natataranta na talaga ako. Pulang pula na yung mata niya. Ang sama pa ng tingin niya sakin habang nakahawak parin sa mata niya.
Nag punit ako ng page sa binder ko tapos iniabot ko sakanya.
Inis niya lang akong tinaasan ng kilay habang naka hawak pa rin sa may mata niya.
"Gamitin mo panakip jan sa mata mo."
Flashback ends
Yung dinoodle kong pangalan ni Nico. Nakita niya yun? Ughhh. Ang tanga ko talaga ba't di ko naisip na makikita niya yun? T______T
"Deny all you want. I know the truth."
Natauhan naman ako nung sinabi niya yun habang umaakyat na siya sa stairwell at papasok na yata sa loob.
"Hoy! Subukan mo lang sabihin sa kahit kanino matatamaan ka sakin!"
Sabi ko tapos binuksan na yung gate. Papasok na ko nang narinig ko siyang sumigaw.
"Patangkad ka muna!!"
"GAGO!!!"
Sigaw ko. Tapos naglakad na sa stone pathway papunta sa pinto ng veranda ng bahay namin.
Kabanas! Porket ang tangkad niya kung makaasta kala mo kung sino =____=
Ay wait.
Kung sa BVC siya nakatira, edi.
MAGKAPITBAHAY KAMI?!?!
Sorry kung ngayon lang nag sink-in. Na occupied masyado yung utak ko kanina.
MAGKAPITBAHAY KAMI?!?!
Mama mia. Kill me now.
![](https://img.wattpad.com/cover/4692575-288-k565924.jpg)
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomansaA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.