Ninth

369 9 3
                                        

Alam ko na kung sino tong nasa likod ko -_-

"Kean! Hahahahaha anong nangyari sayo?"

Told ya. Sinabi yun ni Sam na tawang tawa.

Humarap na ko sakanya. Halatang inis na inis siya pero wala siyang sinabi. Tuloy tuloy lang siyang naglakad papasok.

"Omg ba't parang pareho yata sila ni Yelle may defect sa mukha? Coincidence? I think not."

Tiningnan namin ni panget ng masama si Carla.

=______=+++ - panget

=______=+ - ako

^______^ o____o >_____> - Carla

"Ah alam ko na. Hineadbutt siguro ni Yelle ang ilong ni Kean. Haha."

Sabi ni Nico. Hindi ko naman siya hineadbutt noh, sinuntok ko lang naman siya.

"O inilong ni Kean ang ulo ni Yelle?"

Sabi ni Jazz na nalito rin sa sinabi niya. Nagtawanan sila. Nakitawa na rin yung mga lowerclassmen na nasa pinto pala ng meeting room. Volunteers siguro sila.

Naglakad lang si panget papunta sa kabilang end ng meeting table at umupo na.

"Begin."

Mayabang niyang sabi habang nakatingin siya sakin ng seryoso. Yun din yung tingin niya nung una naming pagkikita. Yung mga tingin na nakakatakot brrrrr.

Pinapasok ko na yung mga volunteers na nasa may pinto pa at nag simula na kami.

Nagpakilala lang isa isa yung volunteers tapos kung bakit nila napag desisyunang maging volunteer at karamihan sa sinabi nila ay may koneksyon sa 'experience'. Pero si Jazz inulit niya nanaman yung kung bakit siya sumali e dahil kay 'Fafa Nico' niya na bumenta sa mga lowerclassmen at hindi na tumigil sa katatawa.

Si Kyla, Jacob at Marcus mga freshmen. Sophomore si Nikki at Lyka. Si Franco, Jiro at Maya mga Juniors. At si Sam at si Jazz naman ang mga volunteers mula sa Seniors.

Si Carla, Naomi, Nico at ako, nagpakilala na rin at inexplain sakanila ang bawat pwesto at trabaho namin.

Si panget naman ang magsasalita. Nasa isang end siya ng long round na rectangular meeting table habang ako naman nasa isang end din kaya magkaharap kami. Yung iba obviously, nakaupo sila palibot.

"I need to clear things up. I don't really LIKE this job so don't expect na masyado akong makikialam sa mga gagawin niyong kung ano man."

Sabi niya agad agad.

"Well, I guess you all know me so no need for me to say my name."

"Yabang."

Sabi ko ng pabulong at umirap ako. Ang hangin talaga ng lalaking to.

Napansin kong nakangiting nakatingin sakin si Nico at si Sam. Narinig yata nila yung sinabi ko. Mejo sila kasi ang pinakamalapit sakin.

Ingles parin ng ingles si panget. Di ko na pinapakinggan kase wala ako sa mood. Sa buong 'speech' niya di man lang siya ngumiti. Ang seryo-seryoso niya lang. Inabutan nanaman ata to kekeke.

"Whether I like it or not. I will be your chairman for this year. Sucks."

"Eh kung ayaw mo naman palang maging chairman edi hindi mo nalang sana tinanggap yung trabaho."

Sabi ko. May pa sucks sucks pa siyang nalalaman -_____-

"I have my reasons. At kung tatanungin mo pa kung ano yun, wala ka na dun."

First & Last [UPDATED]Where stories live. Discover now