Kinapa ko yung cellphone ko sa side table sa may kama ko. I-ttext ko nalang siguro si panget ngayong gabi para kahit papano mawala wala tong guilt feeling na to.
To: Nico Sy :)
Nico. May number ka ba ni panget?
Nakakahiya naman to. Baka isipin pa ni Nico bebe may gusto ako sa panget na yun. Blech. Pero okay na to. Wala naman akong ibang mapaghihingian ng number ni panget. Wala naman akong number ni Jazz o kaya naman ni Sam.
BZZT BZZT*
From: Nico Sy :)
Meron. Bakit? Yeeeee.
Sinasabi ko na nga ba -________-
To: Nico Sy :)
Heh! May sasabihin lang ako sakanya.
BZZT BZZT*
From: Nico Sy :)
Andito siya ngayon. Pasabi mo nalang :)
Eh? Nandun agad? Nag teleport siguro sa bahay nila Nico. Hahaha. Hayst. Siguro okay lang na sabihin ko kay Nico. Si Nico naman yan eh.
Jazz's POV
Andito kami ngayon sa basketball court ng village nila master. Nagkayayaan ang barkada. Alasjis naman ang simula ng klase bukas kaya ayos lang magpuyat ngayon.
"Ang lamya mo Kean! Nag hapunan ka ba? Hahaha."
Sigaw ko. Nagtawanan naman sila Nico at Samuel.
Laptrip kasi tong si Master. Kanina pa kapos yung mga shoot niya.
"Gago tumahimik ka."
Sabi niya. Tinawanan ko lang.
2v1 sila ngayon. Si Kean mag isa. Nagpapahinga ako dito sa bench. Kanina pa ko naglalaro sa bahay tapos bigla akong tinawagan maglaro daw kami. Wew.
Grabe. Wala man lang chix na dumadaan dito. Hahaha loko lang.
BZZT BZZT*
Napatingin ako sa cellphone ni Nico. Nag vibrate.
1 message received
Yelle

YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomantikaA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.