Seventh

402 12 3
                                    

Nakatayo ako sa isang lugar na hindi ko kilala at hindi ko alam kung saan.

Nahihilo ako at sumasakit rin ang ibang bahagi ng katawan ko.

Inikot ko ang paningin ko at pira pirasong mga metal at debris ang nakakakalat sa paligid ko. Ang dami ring alikabok at maiitim na abo.

May mga usok rin sa ibang bahagi ng lugar na nagmumula sa ilang nagliliyab na apoy.

Hindi ko alam kung ano pero parang nararamdaman kong may hinahanap ako kaya naghanap ako.

"YELLE!!!!!"

May sumigaw ng pangalan ko. Mag isa lang yata ako sa lugar na to kanina kaya gumaan ang pakiramdam ko nang may makita akong anino ng mga tao.

"YELLE!!!!!"

Sinigaw niya nanaman ang pangalan ko pero may pag aalala na sa tono niya. Nakita ko ang tatlong lalaking tumatakbo palapit sakin habang sumisigaw na umalis daw ako sa pwesto ko.

Pag lingon ko sa may gilid ko nakita kong may kung anong babagsak sakin.

Pinipilit kong tumakbo palayo pero ayaw ng mga paa kong gumalaw.

Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin.

Umiiyak nalang ako at nagdilim ang paligid.

"MISS YELLE!!!!"

Napaupo ako sa kama ko. Panaginip.

Pinagpapawisan na ko at naramdaman kong tumutulo ang luha ko.

Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko.

"Miss Yelle. Okay ka lang po ba?"

Nagaalalang sabi ni Ate Sarah habang nakahawak sa kaliwang balikat ko. Kasambahay namin.

"Opo. Okay lang ako. Masamang panaginip lang."

Bumuntong hininga ako.

"O sige."

Bumalik na sa dating tono ang boses niya.

"Bumangon ka na jan at malelate ka na sa eskwela."

Sabi niya habang naglakad na papunta sa pinto.

Anong oras na ba? Napatingin naman ako sa digital wall clock na nasa itaas ng plasma TV.

What the f-

7: 37?!?!?!?!

Eh 8 AM ang klase ko urrrrggggghhh T____________T

"Tanghali na pala!! Ba't di niyo ko ginising???"

Sabi ko habang nagmadaling tumayo at lumakad papunta sa cr ko.

"Kanina pa kita ginigising hindi ka naman bumabangon."

Sabi niya ng makarating na siya sa pinto.

"Ugh. O sige po pakisabihan nalang si Kuya Seth na mag papahatid ako sa school. Hapon pa naman ang klase nun diba?"

Sabi ko tapos sinarado ko na yung pinto ng cr. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali dali nang naligo.

7: 46

Nakabihis na ko.

"Asan na si Kuya?"

Sabi ko habang dali daling bumababa sa hagdan at inaayos yung laman ng bag ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First & Last [UPDATED]Where stories live. Discover now