Yelle's POV
"Pangeeeeeeeeettt!!"
Kanina pa ko dito sa terrace ko tawag nang tawag kay panget. Eh pano pinapunta punta niya ko dito 8 PM SHARP tapos 8:20 na wala parin siya. Alam ko din na anjan lang siya sa loob ng condo niya kase bukas ang ilaw.
Aaaarrggh.
"BAHALA KA SA BUHAY MO! PAPASOK NA KO! =____="
Sabi ko tapos papasok na sana ako sa kwarto nang bumukas yung sliding door niya.
Lumingon ako. Nakarest yung kaliwang balikat niya sa frame ng sliding door niya tapos nakapamulsa din yung kaliwang kamay niya tapos yung kanang kamay ang ginamit sa pagbukas ng sliding door niya.
"Good evening."
Sabi niya sakin ng nakangiti. Evil smile nga lang.
"Goodevening mo mukha mo! Matutulog na ko -_-"
Sabi ko tapos pumasok na ko sa kwarto.
"Hoy! Teka ang aga pa! Saka maguusap pa tayo!"
Narinig kong sabi niya na mejo pasigaw na rin.
"KAUSAPIN MO YANG 8 O'CLOCK SHARP MO!"
Sigaw ko sakanya habang sinasarado na yung sliding door ng terrace ko.
Bahala siya sa buhay niya -____- Grabe mangtrip. Ilang minuto ako pinaghintay. Nakakainis :C
Tok tok tok*
May kumatok sa sliding door ng terrace ko. Huh?
Lumingon ako. Nakita ko siya sa terrace na nakapamulsa at tumango siya sakin habang naka ngiti pero di kita yung ngipin.
What the.
"Anong ginagawa mo jan?? At pano ka nakarating ditooo??"
Sabi ko habang binubuksan ko yung sliding door.
"Malamang tumalon ako."
Sabi niya na nakatingin sa terrace niya.
"Anoooooooo? May lahi ka bang kangaroo? Ang layo layo kaya ng agwat ng terrace natin!"
Sabi ko habang pumunta sa railings ng terrace ko tapos tumingin ako sa baba na maaaring hulugan niya.
"Meh. Ang OA mo. Ang lapit lang naman ng agwat ng terrace natin. Mula balikat hanggang sa dulo ng kamay mo lang ata ang distansya niyan."
"Kahit na! Kung nahulog ka? >____>"
"Alam kong concerned ka sakin pero eto ako oh. Hindi ako nahulog kaya wag ka nang magalala."
Sabi niya sa napaka casual na tono. Kapal talaga nitoooooo arrghh.
"HOY! Sino may sabi sayo na concerned ako? -"
"Bakit hindi ba?"
"- Saka isa pa! Bawal ka dito sa terrace ko! Trespassing ka! You're invading my privacy!!"
"Fine!"
Sabi niya tapos lumapit na sa may sakin tapos tatalon nanaman ata siya papunta sa terrace niya kaso pinigilan ko siya at hinila ko yung likod ng tshirt niya. Napatingin naman siya sakin.
"Mamaya ka na bumalik pagkatapos nating 'magusap'. Baka makita ko pa ang malagim mong pagkahulog tapos baka hindi na ako makatulog mamayang gabi tapos baka mag puntahan pa ang mga pulis dito at hulihin nila ako dahil ako ang huli mong nakasama bako ka mamatay kaya ako ang paghihinalaan nilang pumatay sayo tapos makuksafdgs"
Langya!! Ihilamos ba naman sa mukha ko ang buong kamay niya.
"Tumigil ka. Ang ingay mo! Kung anu ano pang walang kwenta ang pinagsasasabi mo."
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomantizmA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.
![First & Last [UPDATED]](https://img.wattpad.com/cover/4692575-64-k565924.jpg)