AN: Dinededicate ko tong chapter na to kay Carlita Espesita dahil may dialogue ang kapangalan niya dito yeaaahoooo \:D/ Gusto ko ulit pumunta jan sainyo. Hahanapin ko si the one hahahahha <3
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!
Di parin sila natatapos sa katatawa.
Sorry naman kase gutom na gutom na talaga ko. Di naman ako nakakain kaninang umaga sa office kase nadistract ako ni Nico at Lourraine remember?
Napatingin ako kay panget. Nakalingon siya sa kaliwa tapos nakangiti.
Unang totoong ngiting nakita ko sakanya. Haha. Napangiti ako. Natuwa din yata sa ingay ng tiyan ko.
"Grabe. Haha. Tayo na nga at nagwawala na ang tiyan ng isa dito."
Sabi ni Nico ng nakangiti. Tumigil na rin si Jazz at Sam sa kakatawa at nag seryoso nanaman ang mukha ni panget.
Sinamaan ko ng tingin si Nico tapos naglakad na ulit papunta sa cafeteria.
"Huy Yelle! Teka! Joke lang yun!"
"Tse!"
Ngayon lang nag sink-in sakin. Nag tatampo pala ako sakanya haha >:)
"Sorry na. Sinubukan ko lang naman kung anong mangyayari kapag nagkausap kayo nitong si Kean haha. Ayos nga eh parang teleserye."
Nasa tabi ko na si Nico. Sumusunod na rin siguro samin yung apat. Pati na rin yung fan girls. Yung mga tingin na rin ng mga tao sumusunod rin samin.
"..."
Dinedma ko lang siya kekekek. Naglalakad na kami ngayon sa stone pathway ng garden. Konting lakad nalang nasa cafeteria na kami.
"Yelle. Sorry na. Grabe ka ayaw mo na talagang maging tropa tayo."
Sumeryoso yung boses niya at nakatingin siya ng diretso. Di ko alam kung nag ddrama siya pero may lungkot sa boses niya.
Talo nanaman ako ng lalaking to. Ayoko na. Na gguilty na ko sa pinaggagagawa ko hehehe.
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomanceA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.