Author's Note: Finally mga bes after three years may update na! Hahahaha I'm so sorry po kung masyadong maikli ang update sinisikap ko pang alalahanin yung mga minor details (e.g. apelyido ni Naomi at Jazz) dahil nakalimutan ko na sa sobrang tagal kong nawala. Thank you po sa patuloy na nag l-like, comment, at nag babasa kahit sobrang inactive ko salamat po mwa mwa mwa
P.S. Pagdasal niyo naman po na mahanap ko yung notebook na pinagsulatan ko ng plot at importanteng details tungkol sa storyang to jusmiyo
Yelle's POV
Woooo yes Tuesdaaayyy!! Dalawang araw nalang club clinics na. I wonder kung sumali si Kuya Seth. Di ko pa natatanong.
Andito na ko sa school, buti nga 'di ako na late ngayon. Thanks to ate Sarah ginising niya ko ng maaga.
Tapos na kong ayusin yung mga laman ng bag ko nang mapansin kong nakatingin yung ibang students sakin. Weird ha.
Binuksan ko ang pinto ng sco. Ba't ang tahimik?
Una kong nakita sa Jazz, nakataas ang paa sa table ni panget, nakasimangot. Si Nico, nakasandal sa lamesa niya. Si Louise, Ruth, at Carla tahimik na nakaupo sa couch kumakain ng burger.
"Hi"
Matipid na bati sakin ni Naomi habang nakatayo sa may tabi ni Nico. Sumupsop siya sa straw ng softdrink niya at saka tumingin sa isa pang tao na nakaupo sa couch.
Lalake.
Kahit nakatalikod siya sa pinto ay kabisadong kabisado ko ang hugis ng mukha niya, ang moreno niyang balat, ang ayos ng kanyang pag kakaupo, at yang linsyak na nagiisang hikaw niya sa tenga.
Lumingon siya.
Pagkakita niya sakin ay hindi niya napigilang ngumiti, kinagat niya pa ang ibabang labi niya at saka tumayo.
"Yelle"
Tinignan ko si Naomi. Sumusupsop parin siya sa straw kahit ubos na ang softdrink niya.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Gab"
Yun lang ang nasabi ko. Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. May nag bago sa mukha niya, may nag bago sakanya hindi ko alam kung ano, siguro mas tumangkad pa siya? Hindi ko alam. Hindi ko matandaan eksakto kung kelan ko siya huling nakita. Ibinaon ko na'ng lahat yun sa lupa.
Noon, iniisip ko pa na kung sakaling mag kita kami ulit siguro ang lakas ng tibok ng puso ko, siguro hindi ko mapipigilang umiyak kahit na ayoko, na sigurado masasampal ko siya, tapos kung nasa may riles kami tutulakin ko siya tapos masasagasaan pa siya ng tren pero ngayon na nasa harap ko na siya, wala na kong maramdaman.
"Gandang umaga Chairman"
Cool lang na sabi ni Jazz sa taong nasa likod ko.
Lumingon ako pero dibdib ang nakita ko kaya tinaas ko ang tingin ko at nakita ko si panget. Seryoso siyang nakatingin kay Gab. Ang lapit lapit niya sakin, halos didikit na ang balikat ko sa dibdib niya. Napatingin din ako sa babae na nasa likod niya, siya ata yung pumunta dito kahapon sa office.
"Perfect! You're all here"
Tumabi kami ni panget para makadaan si Ma'am Corrine, siya ang overall organizer ng mga events sa school. Hinila niya din yung babae papasok sa office.
"Hindi ko na kailangan na mag pa announce pa for us to gather."
Dumiretso si Ma'am Corrine sa loob at sumenyas kina Naomi na umupo sa couch. Naglakad na din kami ni Anthony papasok pero hindi kami umupo.
"So!"
Nakangiting simula ni Ma'am Corrine
"Of course I'd like you all to welcome back Miss Princess Valera and Mister Gabriel Blanco, they are late enrollees pero I'm sure you guys still remember them pa naman right?"
Napalakas ata ang buntong hininga ni Jazz kaya't napalingon kaming lahat sakanya. Inirap niya ang kanyang mga mata na para bang nauumay siyang pakinggan si Ma'am Corrine.
"Anything you'd like to say, Jazz?"
Pag tatanong ni Ma'am sakanya
"Wala po"
Bulong ni Jazz
"That's what I thought."
Sabi naman ni Ma'am bago siya ulit bumaling samin
"Council, make our new students feel welcomed and also yung assembly mamaya about the club clinics okay? Don't forget"
Sabi ni Ma'am habang inaaayos yung mga papel sa dala dala niyang folder tapos umalis na.
Wala agad nakapag salita pagkatapos isarado ni Ma'am yung pinto ng sco. Ang awkward at tense. Nag eye contact pa kami ni Naomi, kinakagat kagat niya yung straw ng softdrink niya.
Bumuka naman yung pinto. Si Sam. Nagulat ata siya na nakatitig kaming lahat sakanya.
"Woah. What did I miss?"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Natapos yung assembly mga 5 na. Explanation lang naman kung san tungkol ang club clinics, parang orientation ganun.
"Good evening Miss Gabrielle"
Nakangiting bati sakin ni manong guard
"Yelle po"
Sabi ko sakanya pagkatapos ko siyang ngitian. Bumuntong hininga ako.
"I get it"
Sabi ng lalaking boses sa likod ko. Lumingon ako. Si panget.
"Kanina ka pa ba nakasunod sakin?"
Tanong ko sakanya. Mejo malayo layo siya sakin ng konti pero dahil tumigil ako, nakakaabot na siya
"Kaya pala ayaw mo"
Tumigil na siya sa harap ko. Inadjust niya yung strap ng bag niya sa balikat niya habang nakapamulsa yung isa niyang kamay.
"Anong ayaw ko?"
Nalilito kong tanong sakanya
"Ayaw mong tinatawag kang 'Gabrielle' because that's your ex's name"
Tinitigan ko siya at dahil may agwat ang height namin, mejo nakatingala ako sakanya. Walang bahid ng ekspresyon sa mukha niya, para lang siyang nag sstate ng facts nung sinabi niya yun. And yes, it is a fact.
Tinalikuran ko siya at nag lakad na ulit.
"I think it's pretty"
Mahinay niyang sabi tapos narinig kong naglakad na din siya
"Kasooooo...."
Nag lalakad na siyang patalikod at nalagpasan niya na ko
"Kupal yung Gabriel eh.... the boy, of course"
Tumingin pa siya sakin para maclarify na si Gab yung tinutukoy niya at hindi ako.
"Ansarap niyang bigwasan pramis nakakairita ang pag mumukha niya"
Sabi niya habang nakakunot ang noo at nakatingin sa kalsada
"Ang daldal mo. Umayos ka nga ng lakad baka ma outbalance ka pa jan."
Sabi ko sakanya ng natatawa. Tumingin siya sakin na nakakunot parin ang noo. Tinitigan niya ko ng higit sa isang segundo tapos umikot na at umayos sa paglalakad.
"Just stay away from him"
Narinig kong sabi niya bago siya nag jog pataas ng stairwell ng BVC.
Huwat?
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomanceA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.