Third

448 11 2
                                        

"SI PANGEEEEEEEETTT??!!!!???!!!"

Grabe!! Panaginip ba to?! Nananaginip lang ba ko??

Napansin ko nag tinginan silang lahat sakin.

"Ay. Sorry."

Takte. Sobrang gulat ko napasigaw na ko. At isa pa, ako nalang pala ang nakatayo. Nakaupo na silang lahat sa mga upuan nila. Nakakahiya >////<

"Miss Yap. Please take your seat."

Sabi ni Ma'am.

Hinanap ko si Naomi, nakaupo siya sa may unahan pero katabi niya na si Louise. Kabarkada namin.

Hinanap ko din si Nico kaso may katabi na rin siyang lalaking nakatulog na ata sa desk niya.

Isa nalang ang bakanteng upuan. Yung katabi ni you know who.

"You can sit beside Mr. Blancaflor."

Narinig kong sabi ni Ma'am.

Tiningnan ko si panget. Ang sama ng tingin niya sakin. Brrrr. Nakakakilabot. Para siyang aswang sa Juan dela Cruz -___-

Kitang kita rin ang gulat sa mga mata niya. Siguro hindi niya rin ineexpect ang sudden turn of events na nangyayari.

Takte naman ayoko talagang umupo dun kaso no choice. Pinagtitinginan na nila ako. Uuggghhh.

Wala na kong nagawa. Naupo nalang ako sa tabi niya. Inusog ko pa nga yung upuan ko palayo sakanya.

Nararamdaman ko pa yung mga tingin ng mga kaklase ko sakin. Lalo na nung mga babae. Pati yung tingin ni panget sakin. Tsk ano ba to -__-

"So. Good morning ulit class."

Buti naman nag salita na si Ma'am kaya nag si ayos na sila ng upo at tumigil na rin sa kakatitig sakin.

"Dahil 4th year na kayo, malamang kilala niyo na naman ako. But for the sake of proper introduction, ipapakilala ko pa rin ang sarili ko sainyo. I'm Miss Cathy Sandoval and I will be your adviser for this school year."

At nag palakpakan kaming lahat. Maliban dito sa katabi ko na nakatingin lang sa labas ng bintana. Malapit kasi ang upuan namin sa bintana.

Pagkatapos nun, kung anu ano na ang sinabi ni Ma'am Cathy tungkol sa rules and regulations. Blah blah blah.

Napatingin naman ako sa katabi ko sa kaliwa.

Langya. Sa lahat ba naman ng tao dito sa mundong ibabaw, iisa lang pala si panget at si 'Kean Blancaflor'. Ang tinitilian at kinaiinlaban ng mga kababaihan. Konting push pa baka pwede na rin ang term na 'sinasamba'.

At yung 'Kean Blancaflor' na yun ay yung napaka ungentleman na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko!! Yung pinaka masungit! Pinaka nakakabadtrip! At katabi ko pa siya ngayon ah.

Buhay nga naman.

"Miss Yap."

Narinig kong sabi ni Ma'am Cathy.

"O? Bakit po Ma'am?"

Nakatingin silang lahat sakin. Wew. Sana di niya nahalata na di ako nakikinig sakanya.

Ngumuso si Ma'am Cathy si katabi ko.

Pag tingin ko...

Langya, natutulog.

"Ahh. Sige po. Ipagpatuloy niyo na po yung sasabihin niyo. Gigisingin ko nalang po siya."

Sabi ko.

"Okay. So I was saying..."

Nagpatuloy na si Ma'am Cathy sa kung ano man ang sinasabi niya.

Ako naman, hindi ko alam kung pano gisingin tong asungot na to.

First & Last [UPDATED]Where stories live. Discover now