Eleventh

313 10 1
                                    

Hindi ko alam. Nastroke na yata kaming lahat dito.

Walang nagsasalita. Walang umiimik.

Lahat nabigla sa ginawa ni Yelle. Lahat din ng mata nasakanya na.

Pati si Kean. Halatang gulat na gulat parin siya.

"So. Pinapatawad mo na ko?"

Sabi ni Yelle na seryosong nakatingin lang kay Kean.

Napalingon naman ako sa kung anong isasagot ni Kean.

"Hindi."

Sabi niya tapos lumapit siya sa may samin.

"HINDI PARIN??? Ang daya mo naman!!"

Sabi ni Yelle na kumunot ang noo at parang humaba pa ang nguso niya.

Haha. Grabe. Pagkatapos niyang aminin sa lahat, parang bumalik na ulit siya sa dati. Parang walang nangyari. Wala talagang kahiya hiya to.

"Hindi porket inamin mong mahal mo ko mapapatawad na kita!"

Sagot naman ni Kean at mataas rin yung tono ng boses niya.

"HOOOYYY!! Diba ikaw ang nagsabi na gawin ko yun! Kapal din talaga ng kamuks mo!"

Ha? Napatingin naman ako kay Kean pero halatang nagulat din siya.

"I didn't say anything like that. In fact, hindi na nga kita nakakausap nitong mga araw diba? Kaya kailan naman kita sinabihan?"

"Sa text! Kagabi! Nico diba ikaw yung nagsabi sakin nun?"

Tumingin sakin si Yelle pagkasabi niya nun. Nalilito na talaga ako kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Diba sabi mo sakin kagabi na yun yung kondisyon na pinapagawa sakin ni panget para mapatawad niya ko? At pag di ko ginawa ibblack mail niya ko"

First & Last [UPDATED]Where stories live. Discover now