Omg omg omg.
Ano na kayang ginagawa ng lalaking to.
Nararamdaman kong lumapit ang mukha niya sa kanang mukha ko at bumulong siya sakin.
"Wag ka ngang sigaw ng sigaw. They might hear us."
Minulat ko ang mata ko tapos ang lapit lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Nakabend din siya dahil sa height gap namin at naka evil smile siya.
Umayos na siya ng tayo at tumawa.
"B-ba't ka tumatawa? >___>"
"For a second you think I was going to kiss you right?"
Sabi niya tapos ngingiti ngiti.
"Hoy! Hindi ah! Di ko naisip yun."
Hindi nga ba?
Ewww ew ew ew ew ew ew erase.
"Tsss."
Sabi niya tapos sumeryoso ulit yung mukha niya.
Unti unti nanamang lumalapit yung mukha niya sakin.
Wala na kong magawa kaya...
BOOOOGSH* (AN: Isa po itong walang kakwenta kwentang sound effect)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"So tell me. Ano ba talagang nangyari sainyong dalawa?"
Sabi ni Doctor Noel habang nakapatong yung baba niya sa kamay niya na naka patong rin sa table niya.
Magkaharap kaming nakaupo ni panget sa tapat ng table ni Dr. Noel sa infirmary.
Nakalagay ang icebag sa noo ko dahil sa bukol kanina at si panget naman...
Pft hahahahahaha.
May nilalagay siyang cotton sa ilong niya. Dumudugo kasi gawa ng pagsuntok ko sakanya kanina.
Nakatingin siya ng masama sakin. Binelatan ko lang siya.
"May kausap ba ko dito?"
Napatingin naman kaming dalawa kay Dr. Noel.
"This lunatic punched me in the face!"
Sabi ni panget na mataas ang tono tapos tinuro niya pa ko.
"Hindi ah! Ay oo pala. Sinuntok ko nga siya pero ginawa ko lang yung kase... kase.."
Nakakahiya naman kung sasabihin ko pa yung nangyari samin sa corridor.
"Uhm kasi po inuntog niya ko sa desk. Eto po oh! May bukol pa nga ako!"
Sabi ko tapos pinakita ko pa kay Dr. yung bukol ko.
"Hey! Hindi kita inuntog!"
"Inuntog mo kaya ako!"
"Hindi kita inuntog! Ikaw ang umuntog sa sarili mo. Stupid. >___>"
"ANONG SABI MO?? PAKIULIT?!"
"Okay okay!"
Pagsasaway samin ni Dr. Noel. Bumuntong hininga siya.
"I think that both of you are to blame at kayo lang makakaayos niyang LQ niyo."
"LQ?!" "What?"
Sabay naming sabi ni panget.
"I'm just kidding."
Natatawa pang sabi ni Dr. Noel. Wow ah. Nagawa niya pang mag joke -___-
"Basta. Miss Yap. Bukol lang yan. Your forehead will go back to normal. Wag mo lang masyadong hinahawakan. And Mister Blancaflor. You'll be fine. Wala namang nadamage sa ilong mo."

YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomanceA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.