Jazz's POV
"Oo alam ko na darating siya. I just didn't believe it at first dahil ano pa bang babalikan niya dito?"
Andito kami ngayon sa condo ni Kean. Walanjo pano ba naman kanina pa kami habol nang habol sakanya para makapag explain kung ba't bigla bigla nalang susulpot dito yung ex niyang wala man lang pasabi.
Natural hindi naman mag ttext yun sakin na uuwi siya pero kahit na! Nakakagulat ang sudden appearance niya.
Pero teka pano niya nga nalaman na uuwi si Princess? Nag tinginan kaming tatlo.
"Tinawagan ako ni Dad sa school last week. Pagkatapos akong suntukin ni pandak. At saka tinawagan rin ako ni Kuya nung gabing yun."
Sagot niya sa tanong namin na hindi naman namin tinanong. 'Stig.
Nag tinginan nanaman kami nila Nico at Samuel, pano eh parang ngumingiti ngiti tong isang ugok dito.
"Huy!"
Panggugulat ko sakanya. Natauhan naman ata.
"Ba't ba ngi-ngiti ngiti ka jan? Kinikilig ka sa usapan niyo ng utol mo? Haha"
"Gago hinde"
"Kaya naman pala bad trip ka nitong nakaraang linggo? Dahil sa balita ng Kuya mo?"
Pag tatanong ni Sam. Tumango lang si Kean.
"Kaya pala pati si Yelle sinupladuhan mo na. Kala pa naman namin siya na yung susunod na mag papa amo sayo eh."
Ngingiti ngiting sabi ni Nico kay Kean.
Hahahaha oo nga. Pansin kasi namin na parang lumalambot na to si Kean pag dating kay Yelle eh. Tsk tsk tsk.
Tiningnan lang kami ng masama ni Kean. Wala ata to sa mood makipag trip.
"Seryoso. Ano ba talagang pinagusapan niyo kanina? Nakikipag balikan na ba siya sayo?"
"Gags! Si Kean nga ang nakipag break diba? Tapos si Princess ang makikipagbalikan? Di naman ata siya ganun kadesperada."
Sagot ko sa tanong ni Sam na halatang hindi niya pinagisipan.
"Ay oo nga pala. Sensya tagal na kasi nun eh saka hindi na naman natin napaguusapan."
"So tol? Ano na? Wala ka bang balak sabihin samin?"
Tanong ni Sam. Bumuntong hininga naman si Kean.
Di ako expert sa mga pag-i pag-ibig na yan pero halatang di pa rin nakaka move on tong isang to. At hindi pa rin siguro siya handang pagusapan to.
Eh kasalanan niya naman kase dahil siya ang nakipag break. Ewan ko kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking to basta ang sabi niya samin wala na daw 'spark'. Kaya ayun, nung 3rd year kami hindi na sa SAU nag aral si Princess. Lumipad nang US. Hay buhay ewan.
"Chasing pavements down the broken road ♫ ♪ "
Napatigil naman kaming apat dahil sa kung anumang klaseng manok ang tumitiktilaok. Hinawi ni Samuel ang kurtina ng sliding door at dun namin nakita ang feeling nasa concert na kapitbahay ni Kean.
"I think I've seen that sweet old smile befooooooreeee ♫ ♪ "
Si Yelle??? Nag katinginan naman kami ni Sam na halatang nagulat din.
"Kapitbahay mo si Yelle pre???"
Tanong ko kay Kean. Walang siyang pakialam. Diretso lang ang tingin niya. Tumango tango naman si Nico bilang sagot sa tanong ko.
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomanceA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.