This chapter is dedicated to mijaj23 for being my first follower. Pasensya na din po kayo kung may mga errors.. between work and pahinga ko kasi ginagawa ang bawat chapter ko. Salamat..
__________________________
Chapter 4
Nakita kong tumango si jeric sa isa sa kanyang mga kasama. Hinila nito si Luis papunta sa isang sulok. Naririnig ko ang kanyang mga aning-ing at ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman. Pumukit na lang ako, nanalangin na sana panaginip lang lahat ng ito. Na sana pagmulat ko ng mga mata ay nasa hotel na kami at niyayakap ni Luis mula sa masamang panaginip.
Pagmulat ko, hinanap agad ng mga mata ko si luis, pero nanlumo ako sa aking nakita. Imbes na hotel ay sa isang lumang bodega kami naroroon at hindi si luis ang may hawak ng aking mga kamay kundi si jeric na kung makatingin sa akin ay kulang na lang na hubaran ako at si luis ay nakatali sa may isang sira sirang upuan.
Nagpumiglas ulit ako sa mga kamay ni jeric at ng maramdaman kong binitawan nya na ako'y tsaka ako tumakbo sa kinaroroonan ni luis.
"bebz okay ka lang ba?san ang masakit"
"ssssshhh bebz don't worry about me! Okay lang ako as long as you're okay."
"my god luisito ikaw na nga tong nabugbog ako pa rin inaalala mo?"
"Listen to me bebz! kapag may pagkakataon na makatakas ka ay tumakas ka. Kapag sinabi kong takbo tumakbo ka. Understand?"
"Pero bebz di kita pwedeng iwan dito mag-isa, di kita kayang pabayaan na lang"
"bebz listen naman oh, mas nanaisin ko pang mamatay kaysa makita kitang pinagsasamantalahan ka ng hinayupak na yun.."
Nakita kong may papalapit na namang isang lalaki sa amin. Tinignan ko si luis may sinesenyas sya sa akin pero dahil sa takot ko di ko ito maintindihan. Namalayan ko na lang na tumayo si luis at sinugod ang lalaki.. "bebz takbo...!" sigaw ni luis.. "Kahit anong mangyari huwag kang lilingon..!" dagdag pa nito..! Sinunod ko ang sinabi nya tumakbo ako ng matulin at nang nasa malapit na ako ng pintuan ay nakarinig ako ng putok ng baril..
Dahil sa takot ko napahinto ako at napapikit. Hinihintay kong may sakit akong maramdaman pero wala. Hindi ako ang tinamaan ng baril, kung hindi ako.. Lumingon ako at tinignan ko agad si luis pero andoon pa rin sya nakaupo at sa tabi nya ay si jeric nakahawak ng baril pataas.. Warning shot lang pala.
"Miss beautiful san ka pupunta? Akala mo ganun kadali tumakas sa mga kamay ko?" nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. At kahit gusto kong tumakbo ulit ang mga paa ko na mismo ang ayaw gumalaw dahil sa takot na baka sa susunod na putok isa na sa amin ni luis ang mabaril. Papalapit na ng palapit si jeric sa kinaroroonan ko gusto kong tumakbo pero kapag nakikita ko ang baril sa kanyang mga kamay ay nagdadalawang isip ako.
Nang nasa harapan ko na siya ay niyakap nya Ako sa may baywang at inilapit sa kanyang dibdib. Hinalikan nya ako sa pisngi pababa sa aking leeg. Napaiyak na lang ako.
"Hayop ka.. Bitawan mo siya, mapapatay kita hayop ka"
Tinignan ko si luis sa mata upang iparating na okay lang, na kakayanin ko basta ang importante ay walang mamamatay sa aming dalawa. Pero malupit ang tadhana. Hindi nito dininig ang aking dasal.
"Miss beautiful may huling habilin ka ba sa iyong kasintahan?"
Naguluhan ako. Huling habilin, bakit papatayin ba si luis? Kailangan kong gumawa ng paraan.
"jeric sasama ako sa iyo basta pakawalan mo sya. please baby? darling please?" Nilagyan ko ng lambing ang boses ko sa pagnanais na baka hindi nga nito ituloy. Inilapit nya sa aking tenga ang kanyang mga labi hinalik halikan ito sabay bulong "sorry babes pero pinapainit ng boyfriend mo ang ulo ko kaya kailangan mo nang magpaalam sa kanya. Any last word for him?"
Last word? Paalam? Tsaka ko tinignan si luis "i love you bebz" sa pagitan ng aking mga luha..
"I love you too.." bulong ni Luis.
Nakarinig ako ng malakas na putok ng baril at nakita ko kung paano unti unti namatay ang aking pinakamamahal. Ang lalaking nagmamay-ari ng aking puso, the love of my life. Humagulgol ako sa iyak at nagsisigaw hanggang sa mawalan na ako ng boses. Pinakatitigan ko si luis, nakayuko't duguan. Hanggang sa dumilim ang aking paningin at unti unti akong nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
friends with benifits
AventuraKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...