friends with benifits13

808 3 0
                                    

for another wonderful fan @honeyranara thanks for the follow...

_______________________________________________________________________________

Chapter 13

Jaycee POV

Its been two weeks since the last time I saw kathleen. After ng pagpunta namin sa sementeryo ay hindi na kami muling nagkita o nagkausap man lang. I really wanted to be close with her again but it seems that work hinders us. Naging busy ako sa trabaho ko sa kumpanya at ganoon din naman siya. Ilang gabi na rin akong di makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Katatapos lang ng lunch break ng pindutin ko ang intercom.

"Dianne may appointment pa ba ako mamayang hapon?" tanong ko sa aking secreatary

"Wala na po nagcancel po kasi si Mr. Martinez dahil may emergency daw po sila iniresked na lang po bukas. So free na po ang afternoon nyo."

"Perfect! Salamat dianne."

Dali dali kong tinapos ang mga iba pang importanteng gagawin sa opisina. Tinapos ko na rin pirmahan ang dapat pirmahan para wala na akong iuuwi pang gagawin sa bahay. Pagkatapos kong gawin lahat ay nagmamadali na akong lumabas ng opisina.

"Dianne maaga akong aalis kapag may tumawag sa akin kung importante pakiconnect na lang ako sa cellphone ko."

"Okay sir." tsaka ako dali daling nagpunta sa may parking space para kunin ang aking sasakyan. Pagdating ko sa lugar ay dumaan muna ako para bumili ng bulaklak. Naaalala ko pa white roses ang favorite niya. Pagkatapos ay umakyat na ako sa ikalawang palapad. Pumasok ako sa store niya at nilapitan ako ng isa sa mga tauhan nya.

"Good afternoon sir how can I helpo you?"

"Good afternoon andyan ba si kathy?"

"Si maa'm Kathleen po nasa opisina siya."

"Paki sabi naman andito si Juan Carlo, kilala nya ako." Tinignan ulit ako ng tauhan nya na tila ba di naniniwala sa sinasabi ko. Tinitigan mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Ngumiti ako sa kanya kaya naman nakita ko siyang yumuko na para bang napahiya.

"Okay sir. Hintay nyo lang po siya dito." tsaka siya tumalikod. Ilang minuto pa ay nakita ko nang lumabas si kathleen. Nakita kong ngumiti siya sa akin kaya napangiti ako. I love seeing her smile.

"Flowers for you."

"Thank you. Sana di ka na nag-abala pa."

"Wala yun. Alam ko kasi na basta bulaklak napapangiti ka." Nakita kong yumuko siya at namula ang kanyang pisngi. Napangisi ako. She is still the same kathleen I've loved before. Mababa lang ang kaligayahan. Simple things makes her happy.

"Bakit ka nandito?"

"Ahmmmm.." sabay kamot sa batok. Tumawa siya ng malakas ng makita ang face expression ko.

"Ano?"

"Aayain sana kitang magdinner sa labas kung hindi ka busy."

"Sorry Jaycee. I loved too pero marami kasi akong tinatapos sa opisina. May deadline kasi ako now."

"Ganun ba. Can I wait na lang till you finished?"

"Sigurado ka? Baka mainip ka lang?"

"Yup sure na sure ako."

"Okay! Sabi mo eh. Lika sa loob" pag-aaya nya sa akin. Tumalikod siya tsaka ko sinundan. Nasa may pinakadulo ang kanyang office. Pagpasok namin ay nakita ko ang kanyang sketch pad at mga papel na lukot lukot na nakakalat sa kanyang lamesa.

"Upo ka muna." Umupo ako sa may sofa katapat ng kanyang lamesa. Inikot ng aking mga mata ang kabuuan ng kanyang opisina. May iba't ibang paintings na nakasabit. May isang sketch doon na alam ko gawa ni kathleen. Dagat ang view at may dalawang tao na magkahawak kamay. Pakiramdam ko ay ginawa nya ito bago nangyari ang insidente. Nakita siguro nya akong nakatitig sa frame na yun. Mayamaya narinig kong nagsalita siya.

"Gawa ko yan noon bago siya namatay. Ang saya saya pa namin noon." Maaaninag mo ang lungkot sa kanyang boses. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natatakot kasi ako na baka may masabi ako at mas lalo pa siyang malungkot. Tumahimik ang paligid ng ilang sandali. Bumuntong hininga ako ng malalim tsaka umubo ng mahina tsaka ako nagsalita ulit.

"Kahit kailan talaga magaling ka sa pagdradrawing. Bata pa lang tayo mahilig ka na dyan."

"Oo nga eh. Kaya nga nang tanungin ni papa anong gusto kong kunin sabi ko fine arts and then after I graduated pinatayo ko itong store na to. Lahat ng nandito designs ko."

"Wow youre so talented."

"Thanks. Sigurado ka bang okay ka lang dyan?"

"Yup i am sure. Ituloy mo lang ginagawa mo diyan at huwag mo ako intindihin."

"Okay!"

friends with benifitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon