Sa aking pangalawang follower marlborohope this chapter is dedicated for you..
___________________________________________________________________________
Chapter 5
"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 10 in the morning and the temperature is 30 degrees celcius. For your safety and comfort, we ask that you please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.
Napabuntong hininga ako ng malalim bago ako umupo ng maayos at ilagay ang aking seatbelt. Ilang minuto na lang ay lalapag na kami at ilang minuto na lang ay masisilayan ko na ulit ang aking inang bayan. Ang aking inang bayan na sa sampong taon ay di ko man lang nagawang silipin. Mababaw man sa iba ang naging dahilan ng aking pag alis ngunit para sa akin ay di ko pa rin iyon makakalimutan.
Tatlo kaming magkakaibigan, ako si luis at ang nag iisang babae si kathleen. Simula bata pa lang, kami na ang magkakalaro dahil sa magkakaibigan ang aming mga magulang. Mas matanda kami ng dalawang taon ni luis kaysa kay kathleen. Unang kita ko pa lang sa kanya sa isang okasyong aming dinaluhan ay alam kong kakaiba na siya. Alam kong magiging special sa akin. Mula noon kaming tatlo na lagi ang magkakalaro. Kami ni luis ang nagsilbing kanyang mga kuya.
Kinse anyos na kami noon at magtretrese naman si kathleen ng aminin ko kay luis ang lihim kong pagtingin sa kababata namin.Tinanong ko pa nga muna siya kung may pagtingin siya kay kathleen at ang sabi wala. Humingi ako ng tulong sa kanya kung paano ipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman. Nag-atubili siya sa simula pero pumayag din. Siya na daw bahalang magsabi. At dahil bestfriend kami kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. Pero minsan an kasabihan tumatama na the bridge become the lover. Akala ko totoo ang sinabi noon ni luis na tutulungan ako yun pala may lihim din syang pagtingin sa babaeng pinakamamahal ko. Nalaman ko na lang na sila na noong gabi ng birthday ni kathleen. Papalapit ako sa kanila noon ng marinig ko ang kanilang usapan.
" Hey whatz up beautiful?" tanong ni luis kay kathleen.
"Happy and contented."
"May I ask why?"
"Because finally we're together."
Naguluhan ako. together? Sila na? Shit trinaydor ako ng sarili kong kaibigan. At dahil sa galit ko umalis ako agad sa party na iyon. Kinabukasan ay kinompronta ko si luis kung totoo ang aking narinig. Hindi siya umimik kaya totoong silence means yes. Nagalit ako sa kanya at sinabing kalimutan na namin na magkaibigan kami. Mula noon iniwasan ko na sila. Nang lumaon ay hiniling ko sa aking papa na sa america na ako mag-aaral. Hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan dahil baka di nila ako payagan kapag nalaman nilang aalis ako dahil lang sa nabigo ako sa pag-ibig.
Nasa airport na ako nang makatanggap ako ng text mula kay kathleen.
kath: hey jaycee ngayon pala alis mo di ka man lang nagpaalam sa amin :(
Ako: oo nasa airport na nga ako.
kath: bakit ka ba aalis? ano bang dahilan?
Naguluhan ako sasabihin ko ba ang totoong dahilan o magsisinungaling ako?
Ako: dahil in love ako sa bestfriend kong babae at noong magtatapat na ako ay nalaman kong sila na ng bestfriend kong lalaki. masakit pero kailangan kong lumayo.
Pinakatitigan ko muna ang screen ng cellphone ko, huminga ng malalim tsaka pinindot ang send. At pagkatapos ay pinatay ko ang aking cellphone dahil hindi ko kayang mabasa ano man ang sasabihin nya.
On behalf of Philippines Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day.
Napalalim pala ang aking pag-iisip dahil hindi ko namalayan tapos na magsalita ang stewardess at pababa na rin kami mula sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
friends with benifits
AdventureKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...