sooooo much love today... got another follower.. @iamxosexy thanks :).. this chapter is a mixed POV medyo nabitin kasi ako sa POV ni Juan Carlo.. Enjoy mga lalabs..!
__________________________________________________________________________________
Chapter 14
Jaycee POV
Isa akong mainiping nilalang pero bakit pagdating kay kathleen wala akong kapagod pagod. Nag eenjoy pa ako sa pagtitig sa kanya. Masyado syang fixated sa ginagawa niya na tila ba walang tao sa paligid nya. Muli kong tinignan ang frame na nakasabit sa pader. Ang kanyang sketch. May lungkot na naman akong naramdaman siguro more on inggit or selos. Naiinggit ako kay luis dahil mahal na mahal talaga siya ni kathleen at nagseselos dahil kahit wala na siya ay di pa rin ako makapasok pasok sa puso ni kathleen.
Tumayo ako ng dahan dahan upang hindi ko siya maistorbo. Lumabas muna ako para makapaglibot libot sa kanyang store. Nang magsawa akong tignan ang kanyang mga design na furniture ay lumabas ako upang bumili ng kape. Pumasok ako sa may starbucks at inorder ang kanyang fovorite. Pagkatapos kong mag order ng kape ay bumalik ako agad baka mamaya mamalayan nyang wala ako ay magtaka pa iyon at hanapin ako at maistorbo pa ang kanyang ginagawa.
______________________________________________________________________________
Kathleen POV
Alam mo yun feeling na nawiwindang ka sa nangyayari sa paligid mo ngayon? Yun hindi ka makapag isip ng matino dahil mixed emotions ka. Sino naman hindi mawiwindang kapag kasing guwapo ni Juan Carlo ang bigla na lang dadalaw sa'yo. Pagkatapos namin magkita 2 weeks ago akala ko hindi ko na ulit siya makikita. Noong sinabi ng tauhan ko na may naghihintay sa aking guwapo sa labas akala ko nanloloko lang siya. Lumabas ako na hindi man lang tinignan kung maayos ako o hindi, masyado kasi akong seryoso na matapos ang big project na kinuha ko. Paglabas ko para akong napahiya, ang guwapo nga ng naghihintay sa akin. Hindi lang guwapo sexy pa.
Inaya nya akong kumain ulit sa labas pero tinanggihan ko dahil nga may tinatapos ako pero nabigla ako sa sinagot nya. Maghihintay daw siya hanggang matapos ako. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko mafigure anong balak ng lalaking ito. Oo may nasabi sa akin si luis noon na kami daw ang dahilan ng pag alis nya noon dahil in love daw sa akin si Juan Carlo pero hindi ako naniwala. Inaya ko siya sa loob ng opisina para doon maghintay.
Ilang oras din siyang nakaupo doon at binabantayan ako. Hindi ako makapag isip ng matino dahil masyado akong nakoconcious sa pagtititig nya sa akin. Maya maya ay namalayan kong lumabas siya. Hindi ko na siya pinigilan dahil mas maganda iyon makakapagtrabaho ako ng maayos. Pero saglit lang siya sa labas maya maya bumalik din siya at may dala dalang nakasupot sa papel.
"Coffee ka muna." narining kong sabi nya. Kaya pala siya lumabas para bumili ng kape.
"Thanks.." sabay abot sa kape.
"Patingin ng mga drawing mo ha."
"Sure why not." Inabot ko ang sketch pad ko at nakita kong seryoso siyang tinitignan ito habang ako ay ninanamnam ang kape. Favorite ko kasi un binili niya. Ang sweet naman ng lalaking ito. May pakape kape pang nalalaman.
"Wow kathy ang galing mo talaga magdraw." Tinitigan ko siya na para bang galit na ewan pero sa totoo lang nagpipigil ako ng tawa.
"What? Totoo naman talagang magaling ka magdraw." Umubo ako ng mahina sabay nagsalita ng seryoso.
"Juan Carlo hindi mo na ako kailangan bolahin at suhulan ng kape, kung may sasabihin ka sabihin mo na." sabay tampo kunyari.
"Hey hindi ako nambobola at tsaka hindi suhol yan kape ha." pagdedepensa nito. Hindi ko na napigilan kaya tumawa ako ng malakas. Paano naman kasi hindi mo na maiexplain ang itsura ng mukha nito.
"hahahahahahaha... Joke lang iyon ano."
" Ikaw talaga." sabay kamot sa batok nito.
"Tatapusin ko lang ito tapos pwede na tayong umuwi." sabi ko sa kanya pro hindi ko pa rin mapigilan ang tawa ko.
"Sige pagtawanan mo pa ako. Sige baka mamaya kabagin ko."
"Sorry ang cute cute mo kasi kapag kinakabahan ka. Give me 30 minutes okay na ito."
"Okay upo na ulit ako. Take your time okay lang kahit after 2 hours pa." Ngumiti ako sa kanya. After 1 hour natapos na din ako. Inayos ko ang table ko tapos tsaka ko siya nilingon. Nakaidlip pala siya habang hinihintay ako. Nilapitan ko siya upang gisingin pero nang malapit na ako sa kanya ay di ko maiwasan ang hindi siya titigan. Ang guwapo guwapo pa rin nya kahit natutulog siya. At ang ilong ang tangos tangos at bumagay ang shape ng mukha nito sa buhok nya. Ang swerte naman ng babaeng mamahalin nito. Swerte din naman ako ha kasi bestfriend ko siya. Pero hanggang bestfriend lang nga ba ang gusto ko? Ano ba tong nararamdaman ko. Hoy kathleen bestfriend siya ng lalaking pinakamamahal mo. Nasa ganun akong ayos ng biglang nagmulat siya ng mata.
"May laway ba sa bibig?"
"Ha? wala.."
"Ah... akala ko meron kasi kung makatitig ka wagas." sabay ngiti nito. Napayuko na naman ako dahil naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
"Tapos na ako tara na.."
"Okay.."

BINABASA MO ANG
friends with benifits
AdventureKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...