Chapter 7
Jaycee POV
Almost one month na akong naririto sa pilipinas and honestly speaking i am enjoying everyday. Namiss ko lang siguro ang company ng mga taong malalapit sa akin. Pumapasok na rin ako sa company but i ask papa kung pwedeng hinay hinay lang. Di ko pa kasi gamay ang pagpapatakbo nito. So he assigned me on training our staff and sometimes sinasama nya ako sa mga meeting nya.
Katatapos ko lang magturo sa shooting range nang may makasalubong akong lalaki. Parang familiar sa akin ang mukha nito. Nakita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko kaya ngumiti na lang ako.
"Kumusta na iho?"
"O-kay lang po" ang sagot ko ngunit may pag aalinlangan sa boses ko. Natawa sa akin ang matandang lalaki.
"Siguro hindi mo na ako matandaan ano?" Napangiti ako, ngiting nahihiya tsaka tumango.
"Si tito ricardo mo to papa ng bestfriend mong si kath."
Napakamot ulit ako sa batok.
"Sorry tito kaya pala kako familiar"
"Anyway kailan ka ba dadalaw sa bahay? Hindi pa kayo nagkikita ng kababata mo di ba?
"Opo hindi pa po.. Kapag po siguro lumuwag ang schedule ko."
"Halla sige aalis na ako. Eto pala calling card ni kath andyan din yung address ng shop nya. Interior designer na ang kababata mo."
"Salamat po tito. Tatawagan ko siya kapag nagkaoras na po ako."
"Siya sige aalis na ako't may appointment pa ako"
"Sige po. Mag-ingat po kayo."
Nasa opisina na ako pero hawak hawak ko pa rin ang calling card na binigay ni tito rick sa akin. Nagtatalo ang isip at puso ko kung tatawag ba ako o hindi. Ang sabi ng puso ko oo kasi sabik na din akong makita siya pero sabi ng isip ko huwag dahil baka galit siya sa akin. Pinakatitigan kong mabuti ito at nakapagpasya din ako sa wakas.
__________________________________________
Papasok ako sa mall nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Napakunot ako sa noo. Ano kayang problema nila? Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa second floor ang sadya ko. Paakyat ako sa escalator nang may ngumiting babae sa akin tsaka ako tinignan pataas pababa. Para di mapahiya eh nginitian ko na lang. Maya maya nakakita ako ng nagbubulungan tapos pagkatapos magbulungan tsaka tumingin sa akin. My God anong problema ng mga taong ito?
Lumakad pa ako ng konti tsaka kumanan. Tumambad sa akin ang malaking karatula--KHEY-EM FURNITURE AND APPLIANCES. Nasa harapan na ako ng shop ni kath ng biglang umurong ang mga paa ko. Kaninang nasa sasakyan ako pamemomemorize pa ako ng sasabihin pero ngayong andito na ako tsaka naman ako natakot. Hahakbang na sana ako palayo ng biglang bumukas ang pintuan ng shop. Iniluwa nito ang napakagandang babae. Ang amo amo ng mukha nito. Napanganga ako sa kagandahan nito. Tinitigan ko siya pataas pababa hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Makikita sa kanyang mga mata ang kalungkutan at galit na kinikimkim. Napamura ako. Gago ang taong gumawa nito sa kanya. Sana sa pagbalik ko ay mabubura ko ang lungkot na iyon at maibalik ulit ang dating si kathleen.
P.S.
I know its a short chapter kaso kailangan ko ng tapusin ito para masimulan ko na ang next chapter. Sa dami ng nasa isip ko kailangan ko nang isulat ito.
Salamat sa pagbabasa..!

BINABASA MO ANG
friends with benifits
AdventureKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...