Friends with benifits 16

731 6 3
                                    

Sooooooooo much love is pouring in my wattpad today. Padami na ng padami ang naniniwala sa kakayanan ko..hehehe.. @MariaCristinaLopena @mishipau and @storyforlife121 thanks sa pagfollow. Hope you guys enjoy this kilig chapter i made.

Chapter 16

Kath POV

Pagkatapos kong tignan ulit ang sarili ko sa salamin ng ilang beses ay tsaka ako bumaba dahil naghihintay na daw si Juan Carlo sa akin. Nasa hagdanan na ako ng lumingon si Juan Carlo sa akin. Nakita kong tumayo ito at ngumiti sa akin. Habang bumababa ako ay di ko maalis ang aking mata sa kanya. Kung gaano kasi siya kaguwapo kahapon ay mas guwapo siya ngayon.

Tinititigan ko pa rin siya habang bumababa. Nakasuot ito ng long sleeve na kulay light blue na tinernuhan nya ng jeans na black para magmukha pa rin formal. Hindi nakatuck in ang kanyang damit. Tsaka tinernuhan ng black shoes. Bagay na bagay sa kanya ang pantalon niya dahil mas lalong pinasexy pa siya nito. At ang buhok ay sinuklay lang palikod.

Pagkatapos ko siyang pagmasdan mula ulo hanggang paa ay muling nagtagpo ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Pero may napansin ako sa kanyang mga mata. Di ko alam kung paghanga o pagnanasa iyon. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ang ayos ko o hindi.

"You look beautiful" saad niya. Naramdaman ko na namang namula ang aking mga pisngi. Ewan ko ba, lagi naman ako nakakatanggap ng papuri pero kapag galing kay Juan Carlo parang ang special nito.

"Thank you.. You look great too" narinig kong tumawa siya.

"Lets go baka matrafic pa tayo sa daan."

"Okay. Magpapaalam lang ako kay yaya"

"Okay". Tumalikod ako para hanapin ang yaya ko upang makapagpaalam.

"Yaya aalis na kami. Kumain ka muna bago ka umalis ha. Pakisara na lang ang gate."

"Sige anak, ako na bahala dito"

"Thank you ya". Pagkatapos kong magpaalam ay bumalik na ako sa kinaroroonan ni Juan Carlo.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan tsaka inalalayan hanggang makasakay ako sa kotse nito. Nasa daan na kami ng magtanong ako.

"San tayo pupunta?"

"Secret.. Basta relax ka lang okay?"

"Okay sabi mo eh.

Ilang oras na kaming nagbibiyahe ay di pa rin namin nararating ang resto na sinasabi nito. Sa pagkakaalam ko lagpas na kami ng south expressway. Maya maya ay huminto kami.

"We're here"

"Finally! San na ba tayo?"

"Tagaytay."

"Ah okay.."

"You'll like it here"

"Lets see" pagbibirong sambit ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan tsaka inalalayan hanggang makapasok kami sa loob. Napangiti ulit ako, always a gentleman. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong kami ng isang lalaki na nasa edad din siguro ni Juan Carlo.

"Hello Jaycee.. Nice to see you again!"

"Alfonso! Same here" nakita kong nakipagkamay si Juan Carlo sa lalaki.

"Alfonso this is Kathleen, Kathleen this is Alfonso a friend of mine and the owner of this hotel/resto." Pagpapakilala ni Jaycee.

"Nice to meet you Alfonso"

"The pleasure is mine" sabay ngiti sa akin.

"Pare yun pinareserve ko available ba?"

"Oo pare inihanda ko talaga para sa inyo. Jhune pakisamahan nga sila sa VIP lounge at kaw na bahala sa kanila"

friends with benifitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon