I hate weather changes because it keeps me away from my pc, cp and iPad.. Spring means double job and less rest time.. Sorry for the late post.. Sana bawi ng chapter na to ang matagal kong pananahimik...
Chapter 17
Jaycee POV
It was the best night ever. Napakasaya ko sa gabing ito. Kung pwede lang sana na hindi na ito matapos pa. Pero pabalik na kami ulit ng Manila. Nakatutok ako sa daan at hindi ko namalayan nakatulog na si kathleen. Sinulyapan ko siya at napangiti. Kahit tulog siya ang ganda ganda pa rin niya. Pagkatapos ng mahaba habang biyahe ay nakarating na rin kami sa bahay niya. Hindi ko muna siya ginising agad, pinakatitigan ko muna siya. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa maganda nitong mukha. Gustong gusto ko na siyang halikan pero nagpigil ako dahil ayokong masira ang napakagandang gabi ng buhay ko.
Everything is so perfect and falling in the right place. Ayaw kong sirain ang pagtitiwala niya sa akin at ang bumabalik na friendship naming dalawa. Nagbabalak akong haplusin ang kanyang mukha ng biglang dumilat ito. Napangiti ako sa kanya.
"Sorry nagising ba kita?"
"Nope okay lang. Saan na tayo?"
"Dito na tayo sa inyo."
"Dito na pala tayo di ko namalayan nakatulog na pala ako."
"Okay lang yun alam ko naman napagod ka sa maghapon."
"Salamat ulit sa napakagandang gabi."
"You're welcome princesz"
Bumababa ako ng sasakyan at nagpunta sa kabila upang pagbuksan siya. Ngumiti siya tsaka ko inalalayan hanggang makarating kami sa harap ng pintuan nila.
__________________________________________________________________________
Kathleen POV
Namalayan kong huminto ang sasakyan pero hindi muna ako dumilat. Antok na antok kasi ako dahil sa excitement ko hindi ako nakatulog ng nakaraang gabi. Makukuha ko na sana ang tulog ko ulit pero naramdaman ko na lang na may mga kamay na dumampi sa mukha ko at humawi ng buhok ko. Gustong gusto ko ng dumilat pero natakot ako. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, parang may naghahabulang daga sa aking dibdib. Nagpalipas pa ako ng konting minuto bago dumilat. Nakita ko ang kamay nito malapit na sa mukha nito. Kunyari naguguluhan ako.
"Sorry nagising ba kita?" tanong niya sa akin sabay bawi sa kamay nito.
"Nope okay lang. Saan na tayo?" kunyaring tanong ko din sa kanya kahit alam kong nasa tapat na kami ng bahay ko. Para hindi niya isiping kanina pa talaga ako gising.
"Dito na tayo sa inyo."
"Dito na pala tayo di ko namalayan nakatulog na pala ako."
"Okay lang yun alam ko naman napagod ka sa maghapon."
"Salamat ulit sa napakagandang gabi."
"You're welcome princesz"
Nakita ko siyang bumaba at naglakad papunta sa pintuan ko. Sa harapan siya naglakad kaya kitang kita ko bawat galaw nito. Heto na naman, bakit ba kapag tinitignan ko siya ganito lagi ang nararamdaman ko. Parang slow motion lahat at may mga dagang tumatakbo sa aking dibdib. Umiling ako upang mahimasmasan ako at mawala ang aking nararamdaman. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan hanggang makarating kami sa tapat ng pintuan ng bahay.
"Salamat ulit" narinig kong tumawa ito.
"Kanina ka pa nagpapasalamat sa akin. Ako dapat ang magpasalamat dahil pumayag kang sumama sa akin."
"Hindi ko pinagsisihang sumama sayo ngayong gabi dahil nag enjoy talaga ako."
"Same here princesz." Dinukot ko ang susi ng bahay sa bag ko tsaka ko binuksan ang pintuan. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Tinignan ko si jaycee at nakita kong nakangiti ito.
"Wait, may gagawin ka ba bukas?"
"Wala naman, dito lang siguro ako sa bahay. May mga tauhan naman akong magbabantay ng shop kapag saturday and sunday. Why?"
"I'll pick you up at 7am? Beach tayo?"
"Beach? San?"
"Akong bahala sayo, I'm sure mag eenjoy ka."
"Ahmmmmm.. Beach... Tommorow?" pag aalinlangan kong tanong sa kanya. Magmula kasi ng mangyari yun hindi na ako tumuntong pa sa kahit anong beach. Natakot na kasi akong baka mangyari ulit ang nangyari noon. Nilapitan ako ni jaycee at hinawakan ang aking mga kamay.
"Sshhhhh.. Don't worry ako bahala sayo. Promise walang mangyayaring masama." Pinakatitigan ko muna siya sabay huminga ako ng malalim.
"Okay basta promise mo di mo ako iiwan ha.."
"Promise di kita iiwan, sa tabi mo lang ako" sabay taas ng kanyang kamay.
"Okay 7am i'll be ready"
"Okay.. Goodnight princesz"
"Goodnight"
Hope nagustuhan niyo. Bibitinin ko muna kayo sa first kiss nila ha..

BINABASA MO ANG
friends with benifits
AdventureKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...