Chapter 8
Kath POV
I am on my office table doing extra jobs again. I know I masyado kong pinapagod ang sarili ko sa pagtratrabaho. What can i do? Sa ganitong paraan lang naman ako nakakalimot sa nangyari. I was concentrating on my work pad when my phone rings. Nagulat ako at nagdalawang isip kung sasagutin ito o hindi. Alam kong wala ng mananakit sa akin dahil nakakulong na siya pero masisisi nyo ba ako kung ganito ako. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at lumuwag ang aking pakiramdam dahil ang papa lang pala.
"Hello. Bakit po kayo napatawag?" tanong ko sa kanya agad. Alam ko nasasaktan ko sila minsan sa klase ng trato ko sa kanila. Magmula kasi noon mas gusto ko nang mapag-isa.
"Wala naman anak mangungumusta lang sana." sagot nya. Alam kong may lungkot sa kanyang boses.
"Okay naman po ako. Huwag po kayong mag-alala."
"Siya nga pala nagkita kami ng kababata mo kanina."
"Sino pong kababata?"
"Si Juan Carlo. Dumating siya a month ago."
Si Juan Carlo ang kababata namin ni luis. Isa sa mga kaibigan kong matalik. Ewan ko lang kung kaibigan ko nga talaga siya dahil umalis siyang di nagpapaalam. Tineks ko siya noong araw ng kanyang flight pero ang sinagot lang nya dahil daw inlove siya sa bestfriend nya. At ng tinawagan ko para tanungin kung sino yun di naman na makontak. At masama ang loob ko sa kanya dahil hindi man lang siya nagpakita noong namatay ang aking si luis. Parang wala lang si luis sa kanya. At tsaka isang buwan na pala siya dito di man lang nagpapakita. Dahil sa inis ko nabitawan ko ang basong hawak hawak ko.
"Kathy anak are you okay?" tanong ni papa. Dahil sa inis ko nakalimutan ko na kausap ko nga pala si papa sa telefono.
"Opo papa okay lang po ako"
"I gave your calling card too. Maybe you can go out with him?" Isa pa to si papa. Magmula noong mamatay si luis trabaho na ata nya ang hanapan ako ng kapalit ni luis. Hindi ba nila alam na wala ng papalit pa kay luis.
Tapos na akong makipag usap kay papa at naibaba ko na din ang telefono pero di ko na magawang bumalik sa ginagawa ko kanina. Nakakainis bakit kasi pinaalala pa ulit ni papa ang lalaking iyon. Inayos ko ang mga gamit ko tsaka ako nagbilin sa secreatary ko at lumabas dahil kailangan kong makalanghap ng hangin.
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang isang familiar na mukha. Damn bakit ang guwapo nya. He has a dark brown eyes, napakaperpekto ng kanyang mukha na parang anghel na inihulog sa langit at ang katawan diyos ko kulang ang salitang sexy. Para siyang modelo sa magazine. Daig pa nya ang ibang artista sa kaguwapuhan at kaseksihan. Pagkatapos ko siyang tignan ay ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya. My god tinititigan din ba nya ako? Pinatigas ko ang aking mukha para malaman nyang galit ako sa kanya.
"Nananaginip lang ba ako o namamalikmata lang?" may pagkasarkastong tanong ko. Nakita kong napayuko siya at napakamot sa batok. Buti naman at alam nyang galit ako sa kanya.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito?"
"ahmmm yayayain sana kitang kumain sa labas?"
"Buti naman at nakaalala kang magpakita ha Mr. Juan Carlo Reyes."
"Pwedeng mamaya ka na magalit? Gutom na kasi ako eh." sabay ngiting nagpapacute sa akin. Napatawa ako sa kanya tsaka humakbang.
"Kakain ba tayo mahal na principe o hindi?"
"Yup tara na." sabay akbay sa akin. Napatigil ako. Magmula kasi ng mangyari iyon ay takot ako kapag may humahawak sa akin. Pati nga magulang ko di ako mayakap ng matagal. Hindi ko namalayan ay naitulak ko siya. Nakita kong nagulat siya pero nakabawi din. Susuntukin ko sana siya pero nahawakan nya ako agad.
"Wooooohhhh kathy cool ka lang. Ako lang ito. Ano bang nangyayari sayo? Ayaw mo bang inaakbayan ka?" sabay taas sa dalawang kamay nya.
"Tama na ayoko na.. Layuan mo ako."
"I'm sorry. Deep breath. Count your heartbeat to calm yourself." saad nya habang papalapit sa akin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin mapakalma ang sarili ko. "Sige tibok na lang ng puso ko ang bilangin mo" sabay kuha sa aking mga kamay at inilagay sa kanyang dibdib. Pumikit ako at binilang ko ang kanyang tibok. Sa di ko maipaliwanag na dahilan bigla akong kumalma. At sa unang pagkakataon may isang taong nakalapit sa akin ng ganito katagal. Nang maramdaman kong malapit na naman siya sa akin ay ako na ang kusang lumayo.
"Basta huwag mo na lang ako biglain sa susunod."
"Okay i wo'nt."
Note:
Sorry po ulit kung maiksi na naman ang chapter na ito. Marami lang pong tumatakbo sa isip ko. I am deciding to make another story. Pero di ko pa alam kung kailan ko maipopost. Balitaan ko na lang kayo..

BINABASA MO ANG
friends with benifits
MaceraKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...