This is it.......... after a long long time of not updating my story sa wakas nagkaroon na din ako ng lakas para harapin ang computer ko at magsulat.. sana po hindi kayo nainip sa paghihintay.... ahmmmm how many months o almost a year na ata akong hindi nagsulat... waaaaaaaaahhh...
__________________________________________________________________________
Chapter 18
Kathleen POV
Pagkahatid sa akin ni Juan Carlo kagabi dito sa bahay ay dumeretso na agad ako sa kwarto at nahiga. Gustong gusto ng pumikit ng mga mata ko pero ayaw naman akong patahimikin ng diwa ko. Iniisip ko pa rin yung lakad namin mamaya. Kinakabahan ako. Ready na ba ako ulit pumunta sa ganoong lugar? Paano kung mangyari ulit iyong nangyari noon? Hindi ko na kakayanin ang mawalan ulit. Tumingin ako sa aking relo mag aalas 3 na pero di pa rin ako makatulog.
" ano ba kathleen monticillo tama na ang pag iisip ng kung ano ano.. matulog ka na.." ang bulong ng isip ko.. Sinubukan ko ulit pumikit baka sakaling makatulog na rin ako. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalipas ng ilang minuto nakatulog na din ako.
Ngunit saglit lang ako nakatulog. Dahil pagka alarm ng relo ko ng alas 6 eh mulat na mulat na ako. Sa katunayan nga ay nakaligo na ako at nakabihis. Bumaba ako para mag almusal at makainom ng gamot dahil daig ko pa ang may hangover sa sakit ng ulo na nararamdaman.. Ikaw ba naman matulog ng ilang oras lang kung hindi sasakit ang ulo mo. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako, nagtoothbrush at nag ayos ng sarili. Chineck ko ulit kung kompleto lahat ng dadalhin ko sa beach.
Beach.. Di pa rin ako mapakali kapag naiisip ko ang muling pagtapak ko sa lugar na iyon. Kaya ko na ba talaga? Maraming what if's ang sumasagi sa isipan ko. Nasa malalim akong pag iisip ng tumunog ang aking telefono. Tumingin ako sa screen at pangalan ni mama ang lumabas.
" Hello Ma, napatawag ka?"
" Hello darling just want to check on you. How are you? Nakakaistorbo ba ako?"
" I am fine Ma. Naghahanda lang ako dahil maya maya ay susunduin ako ni Juan Carlo nag aaya pumunta ng beach."
Biglang natahimik si mama. "Ma andiyan ka pa?"
" Yes darling I am still on the line. Sigurado ka na ba anak kaya mo na? Paano kung may mangyari ulit? Eh kung sa private resort na lang kaya pumunta?"
" I don't know Ma pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Nakakahiya naman kay Juan Carlo and besides Di naman siguro ako pababayaan ni Juan Carlo di ba?"
" Ofcourse... ofcourse anak.. Just take good care of yourself okay?"
" Okay Ma I will"
" And say Hi to Juan Carlo "
" Okay Ma... BYE"
" Bye Darling "
Limang minuto na ang nakakalipas magmula ng matapos kaming mag usap ni mama pero nakatunganga pa rin ako. Paano kaya kapag nagyari ulit iyon? Kakayanin ko pa kaya? Hindi naman siguro. Iwinaksi ko sa aking isipan lahat lahat ng aking agam agam. Alam ko naman di ako pababayaan ni Juan Carlo. Juan Carlo Reyes family owns one of the largest and most trusted security agency sa buong pilipinas and He went to america to train kaya panatag ang loob ko na walang mangyayari at hindi niya ako pababayaan.
10 minutes na lang bago mag alas 7. Bumaba na ako para may oras pa ako para mabilinan si yaya. Ilang araw din akong mawawala. Eksakto alas 7 ng may marinig kaming mag door bell
" Ya pakicheck naman kung sino yun, kung si Juan Carlo papasukin mo sabihin mo umakyat lang ako saglit. "
Umakyat ulit ako dahil nakalimutan ko ang sketch pad ko. Lagi ko itong dala dala dahil kapag may naisipan akong design ng mga furnitures eh ginuguhit ko agad ito. Pagbaba ko ng hagdanan ay nakangiting Juan Carlo ang bumungad sa akin.
" Ready to go to beach? "
Ngumiti ako ng may alinlangan at napansin ito ni Juan Carlo.
" May problema ba? Ayaw mo bang pumunta? "
" Hindi naman sa ayaw.. kaso.."
" Kaso ano? Tell me"
" Wala, Let's go"
" Are you sure? "
" Yup.. Ya alis na kami un mga bilin ko sayo ha."
" Opo.."
Ano bang meron sa biyahe at tuwing nagbibiyahe ako ay nakakatulog ako. Dala na rin siguro nito ang di ko pagtulog ng maayos kagabi kakaisip sa aming lakad ngayon. Naalimpungatan ako ng maramdaman kong huminto kami.
" Asan na tayo? "
" Andito na tayo. "
Umupo ako ng tuwid at luminga linga sa paligid. Wala akong makitang mga tao at isang bahay lang ang nakikita ko.
" Saan beach tayo naroon? "
" Nasa private beach tayo. Binili ito ni papa noon bago ako magpunta ng america. "
" Sa inyo ang Island na ito? "
" Hindi naman Island. Sa amin lang ang parte ng beach na ito. Sa banda doon may nagmamay ari na. Tara baba na tayo. "
Bumaba kami ng kotse at kinuha namin ang aming mga gamit. Medyo nakahinga na ako ng maluwag lalo na ng malaman kong hindi naman pala kami sa mataong lugar pupunta. Dito alam ko maeenjoy ko ang dagat. Ngumiti ako kay Juan Carlo at ngumiti din ito sa akin.
" Let's go at naghihintay na sila nana isabel. "
BINABASA MO ANG
friends with benifits
AdventureKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...
