friends with benifits06

1.2K 7 0
                                    

wow another fan.. enjoying every minute i am on my lappy writing my story.. irahjennaiquinquito this chapter is dedicated for you.. thanks..

_________________________________________________________________________

Chapter 6

Jaycee POV

After a long trip, finally i set foot at my birth place. Pagkatapos dumaan sa immigration at kunin ang mga bagahe andito ako sa labas naghihintay sa aking sundo. Tagatak  na ang pawis ko pero wala pa rin. Shit ang init pa naman. Asan na ba kasi si  manong lem? Bakit kaya nag tagal. Nagpalinga linga ako sa paligid ko. Meron nag iiyakan, nagyayakapan, may mga batang talon ng talon dahil nakatanggap ng pasalubong galing sa tatay o nanay. Meron ding mga mag-asawa o magsyota na akala mo wala nang bukas sa pagyayakapan. Naalala ko na naman siya. Kumusta na kaya si kathleen? Kahit kasi noong nabalitaan kong namatay si luis ay hindi ako umuwi. Hindi dahil sa may sama pa ako ng loob pero busy lang sa pag-aaral.

My dad allowed me to go to america and study there but in one condition i have to go to training. It means i have to learn combat training, fire range and other related activities. According to him he just wanted me the best and learn everything related to sucurity because our family owns the largest security agency in the philippines. He called me a few months ago to tell me na he wanted me to run our business.

Maya maya may tumapik sa aking balikad. Nilingon ko ito. Finally dumating din ang sundo ko. "manong finally dumating din kayo!"

"eh pasensya na juan traffic kasi eh." sabay kamot sa may batok. "tara na po doon sa sasakyan ng makapagpahinga na po kayo."

Hinila ko ang mga bagahe ko at nilagay sa may compartment. Makalipas ang ilang oras na pakikipagsiksikan sa traffic ay nakarating na din kami sa bahay. Pagpasok pa lang ng gate namangha na ako sa nakita ko. Wow ang dami na palang nagbago sa loob ng sampung taon ko sa america. Pagkababa ko sa sasakyan ay sinalubong ako ng ibang maids.Yumakap agad ako sa aking nana isabelle. Yaya siya ng mama ko na naging yaya ko na din noong pinanganak ako.

" BInatang binata na ang Juan ko ha.." sambit nya sa akin habang niyayakap ako. Bumitiw ako sa kanya tsaka tumawa. "Nana sabel jaycee na lang po tawag nyo sa akin, mas sanay po ako doon." sabay akbay ko sa kanya. "halla jaycee kung jaycee.. tena na sa loob ng makita mo na ang iyong mama at sabik na sabik na yun sa iyo."

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko ang aking mama pababa ng hagdanan. Sinugod ko agad ng yakap at halik ito. Nakangiti ito habang papalapit ako sa kanya. "Welcome home iho."

"Thank you po ma. Ang papa po pala?"

"Alam mo naman ang papa mo hindi maiwan iwanan ang negosyo. Mamaya andito na din yun."

"Ganun po ba? Sige ma akyat muna ako sa kwarto para makapagpahinga tapos mamaya kwentuhan tayo."

"Siya sige at tatawagin ka na lang namin kapag kakain na."

Umakyat ako sa taas. Walang nabago sa kwarto ko. Kung paano ko ito iniwan ay ganun pa rin ito. Napangiti ako, ang nana sabel talaga hindi pinabayaan ang kwarto ko. Umupo ako sa aking kama. Damn how i miss my room, how i miss being at home with everyone i loved. Napatingin ako sa may lamesa malapit sa aking higaan at nakita ko ang isang lalarawan. Larawan naming tatlong magkakaibigan, kuha noong minsan nag outing ang aming pamilya. Masaya pa kami noon. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Kung hindi kaya ako umalis noon? Mangyayari pa rin kaya ang trahedyang iyon? Sayang di man lang kami nakapag usap ni luis bago siya nawala. Sana nasabi ko na hindi na ako galit sa kanya. Na tanggap ko, na sila talaga ang para s isa't isa. Sumalangit nawa ang kaluluwa nya.

Nagshower muna ako at nagpalit ng mas komportableng damit tsaka nagpahinga. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Isang yugyog ang nagpamulat sa akin. Si nana sabel iyon at ang sabi oras na daw para sa hapunan. Nasa malapit na ako ng hagdanan ng makita kong pumapasok si papa. Sumigaw ako tsaka siya lumingon. Sinalubong ako ng yakap.

" Welcome back son. Namiss ka namin. Sana ngayon mananatili ka na dito."

" Pag-iisipan ko po papa." sabay nag isip ako kunyari tsaka tumawa. "ofcourse papa. i'll stay here for good."

"Mabuti naman. Bukas nga pala isasama na kita sa opisina para makilala mo ang ating mga tauhan para mapadali na ang aking pagreretiro."

"Pa..! Hindi po ba pwedeng pahinga muna? Trabaho agad?" pagrereklamo ko sa aking ama. Tinapik nya ako sa balikat at napailing tsaka ngumiti. Hay naku mahaba habang araw bukas para sa akin.

friends with benifitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon