Guys sorry for the late update.. I got holy week part time tapos noong bumalik ako I got sick so di ko naharap ang pag upload.. hope you enjoy this chapter.
Chapter 11
Kath POV
Di ko na namalayan anong oras ako nakatulog kagabi. Bumangon ako't naligo. Naghanda papasok sa opisina. Pababa na ako ng hagdanan ng may mapansin akong taong nakaupo sa may sala. Bumaba ako ng dahan dahan upang mapagmasdan ko ng mabuti kung sino man ang nakaupo doon. Napakunot ako ng noo. Anong ginagawa ni Juan Carlo dito. Sa ganitong oras?
"Good morning kath"
"Good morning. Coffee?"
"No thanks nagcoffee na ako sa bahay."
"So anong maipaglilingkod ko sa'yo?"
"I am here to check if your okay. After ko kasi tanungin sa'yo kagabi if pwedeng samahan mo ako kay luis ngayon eh bigla ka na lang nalungkot." sabay ngiti sa akin. Sheeettt oo nga pala naipromise ko nga pala sa kanya na sasamahan ko siya. Bakit ba kasi kapag nasa harapan ko si juan carlo nakakalimutan ko ang lahat.
"If okay lang naman sa'yo." dugtong nya.
"Oo naman why not." ngumiti ako sa kanya. Wala naman sigurong problema kung sasamahan ko siya. Kahit pagbalikbaliktarin ko man ang mundo juan carlo is luis bestfriend.
"Kukunin ko lang yun bag ko at ibang gamit ko para deretso office na ako mamaya." sabay tayo at umakyat sa taas. Kinuha ko ang aking bag at inilagay ko ang aking wallet at ang susi ng aking sasakyan sa loob nito. Kahapon kasi naiwan ko ang sasakyan ko sa may parking lot ng office dahil nakisabay ako kay juan carlo. Tinignan ko ulit ang aking sarili sa salamin bago bumaba.
"Ready?"
"Yup tara na bago pa uminit lalo."
"Okay." Pagkasara ko ng pintuan ay naramdaman kong hinawakan niya ang aking siko at inalalayan hanggang sa kanyang sasakyan. Napakagentlemen naman ng lalaking ito. Pinagbuksan ako ng pintuan at ng nakaupo na ako ay pinagmasdan ko siya habang naglalakad papunta sa may driver's side. Napakaganda ng kanyang katawan, at ang sexy nyang tignan sa kanyang damit. Bumagay ang kanyang gupit sa hugis ng kanyang mukha, katamtaman ang tangos ng kanyang ilong at ang pula ng kanyang labi. Ang sarap sigurong halikan ang kanyang mga labi.
Namalayan ko na lang na lang na uminit ang aking pisngi. Napahiya ako at tsaka yumuko. Ano ka ba kathleen kung ano anong iniisip mo. Bakit ko nga ba pinagnanasaan ang aking bestfriend.
"Are you okay?" narinig kong tanong ni juan carlo.
"Ha?..... "
"I said ok ka lang?"
"Yup ok lang, why?"
"Wala bigla ka kasing natahimik. Are you sure okay lang na samahan mo ako?"
"Yup okay lang ako. Lets go bago pa magbago ang isip ko." Nakita kong natawa siya. Sheettt pati ngiti nya napakagandang pagmasdan. Naramdaman kong umandar na ang sasakyan. Tahimik kaming pareho hanggang sa makarating kami sa may sementeryo. Pinarada niya ang sasakyan tsaka ako pinagbukasan ng pintuan. Naramdaman ko na naman na inalalayan nya ako sa paglalakad. Tahimik pa rin kaming pareho. Walang may gustong mag-umpisa ng usapan. Hindi ko alam kung anong iniisip nya.
Nakarating kami sa may puntod ni Luis. Nanghina na naman ang aking mga tuhod at di ko mapigilang hindi umiyak. Umupo ako sa tabi ng kanyang lapida.
"Hi bebz. Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw. I miss you and i always will miss you." bulong ko sa kanya.
"May kasama nga pala ako ngayon. You won't believe it. Bumalik na siya, sayang at di na kayo nagkita. Our bestfriend is back."
Nakita kong ngumiti siya pero makikita mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit nagkahiwalay sila alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Juan Carlo is the best buddies luis have. Hinawakan ko ang kanyang lapida. at kinapa ang kanyang pangalan. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang nalalapit na namang pagtulo ng aking luha.
"So bebz iiwan ko muna kayong dalawa para magkasarilinan naman kayo. I love you bebz and i always will. I miss you soooo much." Tumayo ako ngumiti at tumango kay juan carlo sabay talikod. Kailangan kong iwan silang dalawa para naman makapagsolo si juan carlo. Alam ko marami siyang gustong sabihin kay luis.
BINABASA MO ANG
friends with benifits
AdventureKathleen Monticillo is the daughter of the businessman and one of the richest in isabela. Mabait, masayahin at higit sa lahat maganda. Everything is perfect. She has a loving parents, lovely friends and a perfect boyfriend Luis. But while on vacatio...